Chapter 3 - The Visitor

66.6K 1.1K 22
                                    

“Sino yan? Bago na naman bang girlfriend ni Young Master?”




“Baka ang ganda eh. Teka .. Teka.. Teka.. Ano ka ba naman? Hindi ka na ba nasanay dyan kay Young Master na laging nagdadala o nagtututuro na lang pagnapipilitan na papiliin ni Madam ng Personal Maid nya. Baka isa sya sa mga sinamaang palad. Kawawa naman to sa tingin ko sa sobrang sungit, yabang, babaero at kasamaan ng ugali ng Young Master natin. Wala pang 1 week lalayas nay an katulad nung iba.”




“Hmmm.. tama ka dyan. Well tayo lang ata ang tumagal. Kasi ---”




“Kasi ang dadaldal nyo! Magtrabaho na kaya kayong dalawa! Kesa pinag – uusapan nyo ang bisita natin!!” napatigil yung dalawang babaeng nag – uusap dahil sa isang boses na napakatinis.




“Ito naming si Chin napaka--- Napaka!! KJ kaya hindi ka nagkakaboyfriend eh!”



“bakit? Kayong dalawa may boyfriend?!” sarcastic na sabi nung tinatawag nilang Chin.




Kinig na kinig ko silang tatlo na nag – uusap kahit nasa sala ako na nakaupo. Nakasilip kasi yung dalawang babae na nakauniform na pang maid. Yung Chin??



Hindi ko pa nakikita boses lang nya ang nakikinig ko.



Umalis naman kasi si Mrs. Fuentabella eh! Ayan hindi ko alam kung anong gagawin ko!!!



Natataranta na ko sa loob loob ko pero hindi ko pinahalata dahil ayaw kong may nag – aalala para sakin. Pero as if naman na may nag – aalala para sakin dito eh hindi naman namin to kaharian.



May biglang lumapit sakin isang babaeng naka- uniform



“Hello Miss Rio, I’m Chin sabi po samin ni Madam na alagaan daw po namin ikaw. Halika ka po.” Dinala nya ang malaki kong bagpack at isang maleta. Dinala nya ko sa isang malaking kwarto sa dulo ng bahay. “Dito po muna kayo magpahinga. Sabi din po kasi samin ni Madam na dito ka muna naming patuluyin sa kwarto nya. Kapag dumating na lang daw sya saka ka na lang daw naming palipatiin sa guest room.” Iiwan n asana nya ako sa kwarto kaya lang hinawakan ko sya sa braso nya “Bakit po?”

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon