Chapter 7 - His a Devil or an Angel #2

55.4K 958 14
                                    

Chapter 7

His a Devil or an Angel #2

Author’s Note:

 

At dahil hindi ko mapublish ang mga natapos ko nang CHAPTERS magtatype na lang ako. May pinuntahan kasi kaming kasal kanina and actually kakadating lang namin ngayon dito sa bahay. Kaya mapapansin nyo na ang dami kong magiging UPDATE kapag nakapagnet na ko hahahah.

 

UYYY!! Tuwa naman sila? Hahaha

 

Sige na nga eto na po ang continuation. Have fun reading ^_____^

 

-      PiggypiggyChoi

 

 

“Okay ka lang ba?” na aawang tanong ko sa kanya.

“hahahahah ikaw ang okay ka lang ba?” bakit sya tumatawa? Nakakatawa ba ang hitsura ko? Nagtinginan na naman ang mga tao nung tumawa sya

“Tumawa si Caurie? Narinig nyo ba yun?”

“Oo baliw na ata si Caurie”

Ang daming bubuyog na nagbubulugan sa likod ko.

“Okay lang naman ako pero kasi ikaw yung ano – yung ano mo eh” tinuturo ko yung mga sugat nya “Gusto mo ba dalhin kita sa clinic. Pero hindi ko alam kung san yun sasamahan na lang kita”

“hahaha nakakatuwa ka naman. Okay lang ako sanay na ko sa mga sugat na ganito. Ako nga pala si Curie bestfriend ni Flynn at kaibigan lang ni Luke. Girlfriend ka ni Luke?”

Winewave ko ang kamay ko as a sign of No! May boyfriend ako!!

“HINDI! Kami ni Luke may ---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang dumating si Luke at nasa likod nya si Flynn

“Eto na ang lunch natin!! TAAAA---DAAAA!!” masiglang sabi ni Luke

Dala nya ang beef steak, beef stew, chicken curry, ham and egg at embutido. Ang dami!! Kaya kaya namin tong ubusin?!!

Katabi ko si Luke sa round table na to katabi ni Flynn si Caurie at magkatapatan kami ni Flynn.

“magchachilala na ba chayo?” ha? Ano daw? Tinuturo kami ni Flynn ni Caurie. After a few seconds na hindi kami sumagot ni Flynn nilunok na nya ang kinakain nya na ham ang egg “magkakilala na kayo?” ahh!! Yun naman pala yun.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon