Chapter 85 - The Performance

20.3K 314 10
                                    

 

 

Maaga pa lang nasa school na ko para I – check kung ayos na ba ang lahat para sa program. Halos kasunod ko lang na dumating ang mga bata na galing sa orphanage ang sabi lang samin ng head ng orphanage na sobrang excited nga daw ang bata dahil makakakita na sila ng totoong Prinsipe at Prinsesa at lalo pa silang na excite dahil napaaga nila silang makikita. Pinaglaro muna namin sila sa playground na malapit sa elementary department. Hindi pa kasi dumadating sina Rio at Collin at dahil hindi pa din naman magsisimula ang program.

Nakakalungkot lang isipin na after ng program na to aalis na sila agad.

Pagpasok ko sa gym dahil hindi na nga magpeplay inilipat na namin dito ang venue para malaki ang space ng mga bata. Nag – improvise na din kami ng stage para lalong makita si Collin at Rio. Naglagay ng konting decoration dahil lack of time kami para makapagprepare.

“Aina san namin ilalagay tong mga flowers?” tanong ng isa kong co – officer.

“Ilagay mo saa gitna yung pinakamalaking group of flowers para maganda tingnan ng mga bata then yung arc na ginamit nating dati sa marriage booth kuhain nyo sa basement then paayos na lang. Padala na din dito. Salamat” sinunod naman nila ko. Yung mga lalakeng ang kumuha at may isang babaeng sumama para tulungan na din sila.

After namin matapos ang ilang touches para mapaganda ang venue. Dumating na ang mga bata at umupo na. Yung iba nag uunahan umupo sa malapit sa stage at nag – aagawan ng upuan.

“Ako kaya nauna dito!” sabi ng batang babae hinihigit ang upuan nya.

“Ako kaya!!”  sabi naman ng batang lalake

Pumunta ako sa kanila at

“HEP!! Tama na okay?” awat ko sa kanilang dalawa at hinawakan ko na ang upuan para hindi sila mag – away. Biniba ko ang upuan at “Lahat naman kayo makikita sila kaya kung gusto para hindi kayo away kumuha na lang yung isa sa inyo ng upuan at magtabi na lang kayo para pareho nyo sila makita. Pero ilan lang naman kayo kaya kahit malayo o lumayo pa kayo makikita at makikita nyo pa din sya kung gusto nyo samahan ko pa kayo mamaya eh” nakangiting sabi ko sa kanila

Nagpout yung batang lalake at

“Wag na! Baka makahanap ka ng pagkakataon para makausap yung Prinsipe kami pa idahilan mo” Pigilan mo ang sarili mo Aina! Tong batang to! Kung hindi ka lang bata matitiris talaga kita!!

Bago ko pa simulan ang pagmurder sa batang lalakeng to. Kumuha sya ng upuan nya sa likod at umupo sa babaeng kinukuhaan nya ng upuan kanina lang at nagsimula na naman silang mag – away at alam nyo kung ano naman ang pinag – aawayan nila yung bulaklak na malake na nakadisplay sa unahan.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon