Chapter 86 - The Missing One

22.4K 334 5
                                    

Ano naman kayang ginagawa ni Kuya Flynn dito? Alam naman nyang galit sa kanya si Collin bakit pa sya nandito at nagpakita? Sana dun sa tagong lugar kung gusto nyang makita si Rio.

Tatabihan ko sana sya sa na nakatayo sa may pinto kaya lang bigla syang umalis. Tumayo na lang ako sa kinatatayuan nya kanina at pinanuod sina Collin at Rio sa malayuan. Hawak pa din ni Collin ang kamay ni Rio at nakangiti pa din ito sa kanya. Malapit na matapos kumanta sina Collinat biglang umakyat yung mga bata sa stage. Nagform sila ng circle habang nasa gitna yung dalawa. Sinasara nung mga bata yung circle ibig sabihin lalong napapalapit si Collin kay Rio dahil sisiksikin sila nung mga bata para lang silang naglalaro ng nilalaro nila kanina.

“hahaha ang kulit nyo” sabi ni Rio na mukha ma – a – out of balance. Buti na lang nahawakan agad sya ni Collin sa bewang.

“hahaha okay tama na to. Thank you children” saway ni Collin habang nakangiti sa mga bata. Inalalayan nya si Rio papunta sa upuan nya at “We are now saying Goodbye to you kids. I’m sorry dahil kaunti lang yung time na binigay namin para sa inyo at kelangan na din namin umuwi ni Princess Marion. Uuwi na kami ng kaharian namin. Hinahanap na kasi kami ng hari eh” Biglang nalungkot yung mga bata “wag kayong mag – alala. We’ll invite you para makapunta kayo samin at makita nyo ang dalawang kaharian ng Genofiel at ng Juxline okay ba yun?” biglang ngumiti ang mga bata at

“Promise yan ha?!” sigaw nung mga bata

“Yeah I promise” nakangiting sabi ni Collin. Lumapit sya kay Rio at mukhang nagpaalam. Pumunta si Collin sa likod ng stage.

Hinanap ko bigla si Kuya Flynn kaya lang nawala na lang syang bigla. Napansin kong tumayo si Rio at kunuha yung mic na nasa unahan nya at

“Wag  na kayong malungkot” nakangiting sabi nya “Ahmm.. Sabi nga ni Collin pwede nyo naman kaming bisitahin dun kahit kelan nyo gusto kaya lang sabihin nyo samin para naman makapagprepare kami ng madaming pagkain para sa inyo hahaha.” Biglang naging seryoso ang mukha ni Rio at “Sabi nila ang Prince and Princess daw kelangan perfect sa paningin ng ibang tao pero alam nyo ba na iba ako? Hindi ko sinusunod ang teachers ko sa school” naglalakad sya patalikod ng biglang

BOOGSSH!!

Napaupo sya sa malakas nyang pagkakabagsak. Wala namang wire na nakaharang bakit sya nabagsak.

“Princess…” nag – aalalang sabi ng teacher namin. Pupuntahan ko sana sya kaya lang

“He he he okay lang ako. Nahilo lang ako ng konte but I’m fine. A Princess should always look fine kahit masama na ang pakiramdam nya at may makulit syang naiisip” nagthumbs up sya sa mga bata at “Okay itutuloy ko na yung kwento ko” napansin kong nakatingin pala sa kanya si Collin habang nagkwekwento. Siguro narinig nya yung pagkakabagsak ni Rio kaya nagmadali syang bumalik “Sobrang tigas ng ulo ko dati heheh hanggang ngayon naman. Kasi naman kung ano anong pinapagawa sakin pero heheh hindi ko pa din ginawa. Sobrang tigas kasi ng ulo madalas nga tinatakasan ko ang mga teachers ko lalo na yung mga teachers para turuan ka maging Prinsesa. Kung alam nyo lang kung gano kahirap maging Prinsesa dahil alam nyo ba kung anong lang yung gusto ko?” Nakaballoon ang dress kaya halos matakpan ang binti nya sa pagkakaupo nya. “Gusto ko lang ng simpleng buhay kaya pumunta ako dito. At madami akong natutunan dito lalo na sa isang tao. Dahil sa kanya natutunan kong magluto, maglinis ng bahay, magmop ng sahig at kung ano ano pa. Masaya naman pala. Kaya lang mas mahirap pa din sakin ang pinapagawa sa Genofiel hahaha. Kids our life is like a chapter in a book kaya lang hindi natin malapam yung ending dahil isa tayo mga character at yung Author lang ang nakakaalam nun. Alam nyo ba kung sino?”umiling ang mga bata at “Si God yun”

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon