Chapter 19 - Bestfriend

45.4K 716 6
                                    

*the continuation of the flashback

 

 

“Miss bagay ba to sa babaeng maton?” kinuha ko ang pink na cocktail dress at tinanong sa sales lady.

 

Nasa Mall ako ngayon at bumibili ako ng damit ni Caurie. Kung hindi pa kasi yun ibibili hindi yun aattend eh! Kailangan pilitin para masabi ko na! Hindi ko na to kaya ipagpanext week pa kaya mamayang gabi na!!

 

 

“S- sir? Hindi po eh. Pink po kasi is for cute girls. Kung maton pong babae?” kinuha nya ang black na dress “Ito po ang bagay sa kanya madaming spikes. Astig pa po ang dating!”

 

 

“Gusto mo nito?” hinarap ko sakanya ang fist ko “Eh di natusok ako nyan pagnagsayaw kami?!”

 

 

“Sir? Girlfriend nyo? Gangstaaahh?” pabulong na sabi nya

 

 

Sumama ang tingin ko sa kanya “Tumigil ka nga! Sinabi ko bang mantsismis ka?! Sales lady ka dito. Gusto mo pa atang idefine ko sayo kung ano ang meaning ng Sales lady? Ha---”

 

 

///BOOOGGSHHH!!

 

May bumatok sakin at napalingon habang hawak ang ulo ko

 

 

“Hoy! Flynn nahahawa ka na ata kay Kean eh” sabi ni Tom, anak yan ng drug lord kaya kung ako sa inyo mag – ingat kayo sa pang – aasar dyan. Baka pasakan na lang kayo ng drugs nyan hahaha. habang naka – akbay si Kean sakin. May babaeng nasa may likod nila. Pero pakealam ko ba? Kung sino sya! Kelangan ko ng cocktail dress

 

 

“Hey! Wag mo nga akong madamay damay dyan Tom!” tumingin sya sakin na may ngisi sa mga labi nya “Ayiiee!! Bading ka na ba? Kaya ka nandito sa boutique na to? Ayiiee!!” tinanggal ko ang pagkaka- akbay nya sakin.

 

 

“Wag nyo nga ako guluhin! Bat ba kayo nandito?! Lumayas na nga kayo sa harap ko!”

 

 

“teka lang nasa teritoryo lang naman kita Flynn. Ako lang naman ang may – ari ng Mall na tinutungtungan mo ngayon kaya ----” natigilan sya ng may naghagis sa kanya ng hanger at sapul na sapul sa ulo nya.

 

 

Lumapit yung babae na nasa likod nila

 

 

“Sorry ha. Nakawala na naman ata tong Bakulaw sa zoo kaya nagkakalat na naman ng kayabangan sa mundo. Sige lang aalis na kami.” Hinihigit nya si Kean palabas ng boutique

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon