Chapter 60 - The exam

23.4K 383 15
                                    

Ang lamig naman!! Magsasummer na nga umuulan pa!!

Last day of examination namin hihihihih!!

Bumaba ako na naka – uniform na at kanina ko pa hinahanap ang sweater ko na may hood sa kwarto kaya lang hindi ko makita.

“Nakita nyo ba yung sweater ko na may hood? Yung gray? Kanina ko pa kasi hinahanap sa kwarto ko hindi ko makita” tanong ko kina Mabel at Cris habang inaayos ang sapatos ko. Napatingin ako sa kanila na nakatingin pa din sa isa’t isa. “Kung nakita nyo kuhain nyo na lang para madali nilalamig na ko at ayaw ko ng coat ng school namin. Bilisan nyo malelate ako sa pagtititigan nyong dalawa eh”

“Eh kasi..” sabi ni Mabel

“Kasi…” sabi naman ni Cris

“Kasi nga ano?” ang kulit nitong dalawa kasi ng kasi. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang pirasong tinapay at umupo

“Kasi Young Master may dugo! Nakipag – away ho ba kayo last week?” natatarantang sabi ni Cris

“Chindi ah! Si Rio kaya ang may suot nyan nun! Baka hindi naman dugo mantsa lang” nagmamadaling lumabas ng kusina yung dalawa at bumalik din agad sa harap  ko na tuloy pa din sa pagkain at paginum ng tubig. At itinapat nila sakin ang sweater ko na amoy ko galing sa labahaan “Wala namang dugo ah! Kayong dalawa tinatamad na naman siguro kayo no?” tukso ko sa kanila

“Hindi po Young Master! Meron po talagang dugo!” pagpupumilit nilang dalawa habang tinuturo ni Mabel ang mantsa na maroon sa pinakadulong sleeve ng kanang sweater ko. “Sabi sayo Young Master may dugo eh! Ayaw mo pang maniwala. Tinary po kasi naming labhan yan kaya lang napansin namin ni Mabel na may kumukulay na pula kaya hindi na namin itinuloy at ipakita sa inyo”

“Ayyyy!!!” tumayo ako at ginulo ang buhok nung ddalawa “Tigil tigilan nyo nga akong dalawa kahit anong sabihin nyo mantsa pa din yan. Pag ako bumagsak sa exam dahil lang dyan sa kakadugo nyong dalawa kayong dalawa ang ibabagsak ko sa bahay hahaha.” Lumabas na ko ng kusina at “Wag nyo na lang pansinin yan labhan nyo na lang at Mabel pakikuha naman yung isa ko pang sweater sa kwarto pakibilis lang” sinunod naman agad ako ni Mabel.

At dahiil umuulan na nagpahatid ako ayaw ko kaya mabasa. May kotse naman bakit pa ko magtitiis magpakabasa sa ulan hahahah.

Sweetpumpkin…

 Uy.. Sweetpumpkin ko…

O_________________________O

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon