Chapter 54 - Dahil sa gutom . . .

28.3K 495 17
                                    

 

Ang cakesakit ng ulo ko! Parang ang daming sako ng bigas na nakapatong sa ulo ko sa sobrang bigat!!

Hindi ko maimulat ang mata ko sa sobrang bigat ng ulo ko. Pero ano to?? Ano tong hawak ko??

Tangna naman Oax oh! Wag mong sabihin katabi kitang natulog!!

Sa sobrang inis ko pinilit kong buksan ang mata ko at

O_____________________O

 

 

///BOOOGGSSSHHH!!!

Pagmulat ko ng mata nagulat ako sa nakita ko kasi katabi ko sya sa kama. Bigla kong binitawan ang kamay nya sa pagkakataranta ko at bigla na lang akong nahulog sa kama.

O…….O

“Anong ginagawa nya dito?” pabulong na sabi ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Sinisilip ko sya sa kama at ang himbing pa din ng tulog nya. “Bakit sya nandito??” gumapang ako palabas ng kwarto kaya lang bigla akong napatigil at napatingin sa sala ng kwarto ko bat pati sila nandito? Anong feeling nila rereypin ko tong si Pouty? Nakita ko silang nakahiga at ang himbing ng tulog sa sala ng kwarto ko. Si Oax sa maghabang sofa si Luke naman pinagdugsong ang dalawang couch para makahiga at si Tristan, hahaha nakahiga sa sahig. I’m sure kinawawa na naman ng dalawang to si Tristan at pinagtulungan na sa sahig na matulog.

Tumayo na ko sa paggagapang ko at tumigil sa gilid ng kama kung san nakahiga si Pouty.

“Nagtatampo ako sayo” pabulong na sabi ko sa kanya “Pero hindi ako galit kung ipapaliwanag mo sakin ng maayos para mas lalo kong maintindihan” inayos ko ang buhok nya na tumatakip na sa mukha nya.

Napangiti ako sa kanya. Hanggang sa pagtulog ba naman nakanguso ka hahaha

Inayos ko ang pagkakakahiga nya at nilagyan ng kumot at unan sa gilid ng kama. Baka kasi bigla na lang malalaglag tong Pouty na to sabihin inihulog ko pa sya. Sabay halik sa noo nya.

Dahan – dahan akong lumabas ng kwarto at bumaba ng hagdan

“Good--” biglang yumuko si Mabel at nagsimulang “Hahahaha!! Hahaha!! So – Sorry Young Master”

“Problema mo?!” sinigawan ko sya habang pababa ng hagdan. Wag nya kong maloko loko ang sakit ng ulo ko baka gusto nyang matanggal sya sa trabaho nya.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon