Chapter 37 - The Preparation

40.4K 630 53
                                    

 

 

Collin’s P.O.V

 

Bigla na lang syang sumama sakin nung kinawayan ko sya at nung malayo na kami dun sa tatlong lalake bigla na lang syang bumuntong hininga ng malakas.

Napatingin ako sa kanya at sabay tawa. Hindi ko alam kung bakit? Pero habang tinitingnan ko sya ayaw ko na ialis ang tingin ko sa kanya baka kasi pagpikit bigla na naman nya kong takbuhan at hindi ko na ulit sya makita.

Sumakay kami sa kotse at dumiresto sa condo. Ang ingay nya nung nasa byahe kami kahit nung paakyat na kami ng elevator ang ingay pa din nya. Sumama sya sakin ng hindi alam ang pupuntahan namin. Madali pala syang makidnap kung lage syang ganito. Haaay!!

Halata sa boses nya na nagpapanic na sya. Wala akong magawa kundi pigilan ang tawa kaya lang tumingin sya sakin at

“Napapano ka? AAAHH!! COLLIN!! San ba tayo pupunta?! San mo ba ko dadalhin?! Nakikita mo to?!” pinakita nya sakin ang kamao nya na maliit at “Susuntukin kita pag may ginawa ka sakin!” naglalakad na kami sa unit ko at wala pa din syang tigil sa pagsasalita. “UY! Bat hindi k aba nagsasalita dyan?! Hoy! Collin ha! Umayos ka!” tiningnan ko lang sya at “Ayaw ko sa tingin na yan ha!” tumalikod sya at naglakad pabalik sa elevator. Kinutusan ko sya at “ARAY!! Tama ba yan? Hindi mo dapat yan ginagawa sa Prinsesa sa Genofiel!” nilapit ko ang mukha ko sa kanya at inilayo nya ang mukha nya at tumingin sa iba “tama bang pag – isipan ang Prisepe ng Juxline ng kung ano anong bagay” ngumiti ako sa kanya at tuloy pa din sya sa pag iwas sa mga tingin ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at naglakad papunta sa unit ko.

“Wala naman akong iniisip sayo ah” mahinang sabi nya habang pinipindot ko ang passcode.

“Weh? Di nga?” natatawa na sabi ko sa kanya. Nakayuko lang sya habang pumapasok ako sa loob “tara na” hinila ko sya papasok ng

“Te---”

“Welcome back! Prince Collin…” ang hina ng pagkakasabi nila ng pangalan ko. Lahat ng maid at ang deisigner nakatingin at natutulala kay Princess Marion. “PRINCESS MARION!!” nagsigawan silang lahat. Buti na lang pala soundproof ang unit na to kung hindi alam na ng mga kapitbahay kung nasan kami at baka na report na kami sa Genofiel.

Lahat sila excites na mahawakan at makilala si Princess Marion ang layas na Prinsesa ng Genofiel na tinakasan ang engagement namin. Nangiti lang ako habang umiiling. Hindi ko akalain na makikilala ko sya bilang sya dito sa Wattpad na hindi Prinsesa. Thanks to Yam.

Pumasok na muna ako sa kwarto para makapagpalit ng damit at para din magkaron sila ng time na makilala si Princess Marion. Ang makulit, pasaway, praning at magpaparealize sayo ng simpleng bagay. Pagtumagal pa kami dito mas lalo ko syang mamahalin.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon