Chapter 47 - Welcome to Wattpad King James!

35.4K 570 10
                                    

 

 

Natigilan ako nung nakita ko si Papa na papasok sa bahay nina Flynn.

Nagmadali akong bumalik sa kwarto ni Flynn at nagkulong sa kwarto nya.

“Anong ginagawa ni Papa dito? Nalaman nya na ba na dito ako nagtatago sa Wattpad?? Pero sinong nagsabi? Imposible naman na si Collin at bakit sya kasama ni Mrs. Fuentabella?? AAAHH!! Alam na din ni Mrs. Fuentabella?!” napaupo ako sa sahig na parang lantang gulay na biglang bumagsak sa kinatatayuan ko. “Panic mode!! Panic mode!!” ginulo gulo ko ang buhok ko.

Hindi na ko mapakali dahil nandito si Papa! Ahhh!! Pagnakita nya ko dito sigurado ako na pipilitin nya kong sumama sakanya pauwi ng Genofiel at pipilitin akong magpakasal kay Collin.

Si Collin.. Si Collin baka matulungan nya ko paalisin si Papa dito

Kinuha ko agad ang phone ko para tawagan si Collin kaya lang hindi nya sinasagot ang phone nya.

Okay lang na nandito si Papa pero ang hindi okay sakin! Bakit nandito sa sya bahay nina Flynn?! Hindi pwede!

Lumabas ako ng kwarto ni Flynn at

“You King James! Get out of this house!!” gulat na gulat ang mata ni Papa

“Marion.. Ikaw bata ka uuwi na tayo! Dito ka lang pala nagtatago!”

“No! you get out of here! I don’t want to go home!” binato bato ko si Papa ng unan at magic jelly ace kaya lang

---_______________________---

Isang malaking imagination lang ang naiisip ko ngayon at mali pa ang grammar na ginamit ko sa Papa ko. Puro get of here.. Pano aalis yun ang dami nyang body guards sa labas ng bahay nina Flynn at sigurado ako dun.

“Ahhh… Nasang lupalop ka naman kasi ng mundo Collin nagtago at hindi kita macontact. Kelangan ko ang tulong mo para mapalayas ang Papa ko dito.” Anong gagawin ko ngayon?? Ayaw ko pa umuwi.. Ayaw ko magpakasal kay Collin.. masaya ako dito..

Flynn’s P.O.V

 

 

Nakita ko si Mommy at isang lalakeng matangkad na nakapants shirt and sweater. Mukha syang matanda pero bakit pangteenager sya kung pumorma. Weird hindi appropriate sa edad nya.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon