Chapter 35 - Playground

45.7K 654 6
                                    

 

 

3 days na ang nakakalipas at sa 3 days na yun ang palala ng palala ang kaweirduhan ni Flynn. Ewan ko kung ako lang ang nawiweirduhan sa kanya o sadyang ganyan lang talaga sya.

Hindi na kasi sya kelangan pang gisingin. Pagnapunta ako sa kwarto nya nakaayos na ang kama nya at ang linis ng kwarto nya na parang walang natutulog dun. Paglabas ko naman ng kwarto nya paalis na sya ng bahay at iiwan ako. Ganun din sa hapon madalas nya kong iniiwan. Hindi ko naman alam kung bakit sya nagkakaganyan. Kinausap ko sya gabi pero pinagsasarhan lang nya ko ng pinto

Ano bang ginawa ko? Kahit sa school hindi ko sya nakikita. May nagawa ba kong mali? O baka naman may hindi sya nagustuhan?

Ah! Flynn bat mo ba ko pinag – iisip ng ganito?! Nakakinis ka na ha?!

Paakyat na ko sa room namin nang makita ko si Luke. Nakangiti sya sakin habang nakatayo sa hagdan.

“Hi sweetangel” itataas ko sana ang kamay ko para kumaway sa kanya kaya lang bigla kong naalala ang sinabi ni Flynn

‘Wag ka nga lumapit kay Luke!’ at yung sinabi ni Aina

‘Ikaw  yung nasa puso ni Kuya Luke’ bigla ko tuloy binaba ang kamay ko

“Good morning!” hinarang nya ko sa hagdan

“Ah – Eh—Good Morning din” mahinang bati ko sa kanya. Alam nyo ba yung? AWKWARD? Super awkward kaya! Pero bakit? Teka dapat nga sya yung nakakafeel ng ganyan kesa sakin eh!

Lumingon ako sa kanya na nakatingin pa din sakin

“Luke…” nanlake ang ngiti nya at lumapit sakin na malapit lang sa pinto ng room ko “Nakita mo ba si Flynn?” inakbayan nya ko

“Hindi eh bakit? Hindi ba kayo nagkikita sa bahay? hmmm” ang tagal nya bago makapagsalita “Hmmm.. Baka naman nasa bahay nina Caurie. Siguro…” dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin at ngumiti “ Siguro na mimiss mo na sya ano? Bakit mo naman sya mamimiss eh magkasama naman kayo sa bahay. Don’t you worry nandito naman ako para sayo hahahaha” kahit paloko ang pagkakasabi nya feeling ko seryoso sya dun. Siguro nga hindi pa nasasabi ni Aina na alam ko na. Siniko ko ang tagiliran nya “Hahah ito naman si sweet angel galit agad hahah sana nga hindi mo sya namimiss dahil may masasaktan pagnalaman nya yan” ngumiti sya ulit sakin at

“Alam mo Luke kulang lang yan sa tulog eh hahaha itulog mo na lang yan ang lake nan g eyebag mo eh hahaha” pumasok na ko ng roomat nagsmirk sa kanya na nakangiti pa din sa tapat ng room namin.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon