Chapter 90 The Love

27.2K 376 28
                                    

 

 

“No Pumpkin.. I won’t… mamatay din naman ako. Wala ng cure ang sakit ko.. I’m in my stage 4 papangit lang ako hahah” tumulo na ang luha ko sa harap nya. Pinunasan nya ito ng thumb nya at “Kaya wag na lang. Thank you for loving me and caring me. I really appreciate all the things that you’ve done. I learned a lot from you Pumpkin that’s why I love you so much” napansin ko may kinuha sya sa bulsa ng pantalon nya at

“Tama na nga to” pinunasan nya ng kamay nya ang mata nya at pinakita nya ang necklace na itinapon nya dati “Alam kong masyado pa tayong bata para dito at alam kong hindi ito singsing pero” kinuha nya yung heart sa gitna at sinuot nya sakin ang necklace na may heart at sinuot naman nya ang circle na may diamond sa tabi at

“Will you marry me?” sabi nya habang nakahiga kami sa blanket

Ang bilis ng kabog ng puso. Nakatingin lang ako sa kanya at wala akong ibang naririnig kundi ang pagtunog ng puso ko.

“Kisses.. Will you marry me?... Alam kong biglaan to at wala akong sing – sing para sa sitwasyon na to pero.. I don’t wanna lose you… I don’t want to happen that I might lose you in just a snap.. Please I’ll stay by your side no matter what” niyakap nya ko ng mahigpit habang nakahiga sa blanket. “Please let me be your husband.. let me take care of you.. let me.. Let me please..”

Nilalayo ko ang sarili ko sa kanya pero lalo nyang hinihigpitan ang pagkakayakap nya sakin.

“Pumpkin… hindi pwede” tinaas ko ang tingin ko para makita ko ang mukha nya na nakapatong sa ulo ko “I can’t marry you.. Gusto mo bang maging byodo agad? Pati masyado pa tayong bata para dito madami ka pang makikilalang ibang babae na mas worth it kesa sakin. Yung babaeng walang sakit at sasamahan ka nya sa pagtanda at hanggang sa mamatay kayo magkasama pa din kayo” nakangiting sabi ko sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin at tumayo na. “Lumalamig na. Matutulog na ko” habang naglalakad papunta sa kwarto ko. Tingnan ko sya mula sa bintana at nakaupo pa din sya sa blanket na hinihigaan namin kanina.

“I’m sorry Flynn..It’s better na wag na to humantong sa kasal dahil maslalo ka lang masasaktan pagnawala ako” pabulong na sabi ko habang naglalakad sa hallway. “I’m sorry..” biglang tumulo ang mga luha ko habang tinitingnan sya sa malayo. I love you so much but I can’t hurt the person that I love the most.

Pagdating ko sa tapat ng kwarto ko. Bigla nya kong sinandal sa pinto at nakita ko na lang na nasa magkabilang tabi ko na ang braso nya na nakaharang para hindi ako makaalis. Nakatingin lang sya sakin kahit iniiwas ko ang tingin ko sa kanya hinahabol nya talaga ito. Hanggang sa hawakan na ng mga kamay nya ang mukha ko para tumigil.

“Sinabi ko naman sayo kanina di ba? Alam kong masyado pa tayong bata para dito pero wala akong pakealam.. Wala namang rules and regulation si God sa mga taong gustong magpakasal. Wala akong pake kung sasabihin mo na naman na mamatay ka. I don’t care! I don’t care kung mawawala ka din dito sa mundong to Pouty, Laway, Rio, Princess Marion and my one and only Kisses I just only want is marry you today or tomorrow basta as soon as possible. I don’t wanna waste our time. I want to spend my life with you as long as you’re here beside me and one more thing” napatingin ako sa kanya “Kung ayaw ko makaron ng asawa na katulad mo eh di sana matagal na kitang inayawan nung simula pa lang. Hindi ka nga marunong magluto at hindi ka nga girlfriend material siguro sa mukha oo pero attitude.. nevermind” natatawang sabi nya “But.. ang hirap mo kasi pakawalan. Pag – iniwan kita hindi ko alam parang may kulang sakin na hindi ko ma – explain.” mahinang sabi nya

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon