Pasasalamat at Konting Pasilip

44.6K 742 395
                                    

Una po gusto ko po muna magpasalamat sa mga READERS na nagbasa at hanggang ngayon ay nagbabasa ng My Personal Maid is a Princess. Sa hinaba haba ng chapter matatapos na din kayo hahaha

Sa totoo lang wala naman talaga kong balak na pahabain tong story na to dahil may mga story pa kong dapat gawin. Binigyan ko pa nga ng deadline ang sarili ko na hanggang Chapter 60 ka lang dahil may tatapusin pa ko. But umabot ito hanggang Chpater 91. Siguro nga dahil makulit ang utak ko hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag – isip at pahabain pa ang story na to. Dati nga masaya na ko sa 2 reads ng story na to. Baka hindi ko alam ako lang yung nagbabasa ng story ko sa kakacheck ko kaya dumdami yung reads hahah adik lang whihihih (^///////////^)V

Minsan pinagtatawanan ko na lang yung sarili dahil kahit ako naiinis sa sarili dahil after kong I – publish dito sa wattpad binabasa ko din yung chapter nay un pagwala akong ginagawa. Tapos iniisip ko na lang lagi na 'Ang tagal ko naman mag UD oh'.

Dito nabuo ang tawag na:

· Tago guy

· Miss Laway

· Miss Window Girl

· Sweet Angel

· SweelKisses

· SweetPumpkin

· Kalawang

· Jigglypuff

· Poutygirl at sino bang makakalimot kay

· Flynn Flynn Fly Fly

At kung ano – ano pa. One time nagsearch ako ng SweetPumpkin at may lumabas na mga readers na may nakalagay na ganun at natuwa ako. Nakakakilig na ewan na nakakaflatter na inilagay nila si SweetPumpkin sa info board nila.

Nagbabasa po din po ako ng mga comments nyo. Nakakatuwa pagmay mga readers na kinikilig, naiinis, nagagalit, natatawa at naiiyak sa bawat Chapter ng story mo. Yung tipong ineexpress talaga nila yung feeling nila sa bawat chapter na. Sa totoo lang hindi kop o ineexpect na umabot ang reads ng story nato ng 190k + reads. Sa mga nagcomment na gusto nila to ma – publish hehehe thank you po nakakaflatterd naman po yu. (^////////////^). Sorry po sa mga readers na nag – papadedicate ng chapter bago ako mag UD. Sorry po talaga. Except sa hindi ko nababasa nalilimutan ko din po. Pasensya na po. (--.--) Pero..

Madaming salamat po!

Madaming salamat po sa mga readers na nagbasa kahit simula pa lang at hanggang ngayon na tinatapos ang story na to. Madaming salamat po!

Madaming salamat din po sa mga comments and votes. Hindi ko naman po hiningi yun sa inyo pero salamat po talaga.

Madaming salamat din po sa pagsama nyo sakin sa:

- Tawanan

- Inis

- Galit

- Kulitan

- Love story ng bawat characters

- Kilig at

- Iyakan

Sa mga readers na hindi na kinaya ang bawat chapters dahil naiiyak daw sila. Pasensya na po.

Ang ending po ay ipaprivate ko. Pasensya na pero opo nakaprivate po sya at hindi ko po ilalagay sa soft copy ang ending nito. May mga scene din po kasi na hindi suitable sa mga readers na 13 years old and below. Pero mga open – minded naman kayo kaya kaya nyo na yan. Pagpasyensyahan nyo na po yung mga scene kasi alam nyo na hindi ko po kasi forte yun intindihin na lang po natin.Hope you understand. May nakita po kasi akong soft copy sa ibang site na hindi ko naman po inupload. Sa mga nag – upload ng stories ko sa 4shared.

You need to follow me here in wattpad para mabasa yung ending. Gusto ko din naman po makita yung mga comments nyo sa ending ng kwentong to. Salamat po.

HELLOO~~~~

Wag nyo na po I – upload dahil nagproprovide naman po ako ng soft copy sa inyo na I think helpful naman pos a mga readers kaya wag nyo na po gawin. You may click the external link na nasa right side kung hindi mo sya mahanap salamat po.

Thank you po sa suporta sa story na to and God Bless!

Signed by:

Mysweetstories a.k.a Choi

P.S
If hindi nyo po mabuksan ang external link. Remove nyo po muna sa reading list nyo ang my personal maid the add nyo po ulit. Makikita nyo na sya sa pinakadulo. Madaming madaming salamat po ulit :)

Konting Pasilip sa last chapter

Flynn's P.O.V

Pagpasok ko sa kwarto namin nakita ko syang nakatalikod at nakaupo sa may veranda suot ang pink and brown polka dot pajama.

Nilapitan ko sya pero hindi nya napansin na nasa tabi na nya ko. Patuloy lang sya sa sinusulat nya at

"Ano yan?" lumuhod ako sa harap nya at binigyan nya ko ng magandang ngiti kahit matamlay ang mga tingin nya.

"Wala to... Ahmm Pumpkin"

"Ano yun? May gusto ka bang kainin?" umiling sya sakin at

"Wala naman... Pumpkin pwede bang..."

"Pwede bang ano?"

"Can we have..." nakatingin lang ako sa kanya "Ca – can you give me a baby?" natulala ako sa sinabi nya. Kahit hindi sya nakatingin sakin nung sinabi nya yun. Alam kong seryoso sya.

Pero... Pero hindi pwede.. Gusto kong sabihin na okay lang na kahit sya na lang ang baby ko na kung pwede sya na lang at sapat na sakin na sya lang pero hindi ako makapagsalita dahil baka masaktan sya sa sasabihin ko.

To be continue...

Click the external link! Thank you again!

Spotify: MPMIAP Sounds link :
https://open.spotify.com/user/12177943604/playlist/0dVHpe8oGekTWqFWQQi9wr?si=ULt9kH6VSti08bmjLoGByQ

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon