Chapter 10 - My comfortable BEAST

52.9K 906 39
                                    

Author’s Note:

Siguro na windang kayo sa dami ng UPDATE ko? Siguro lang naman pero hindi siguro kasi baka nasanay na kayo sa ibang Author na isang araw lang ang dami na agad nilang UPDATE sa story nila.

Wala lang extrahin. Tinatry ko magpakabaliw ngayon kaya ako na lang ang kakausapin ko dahil walang net. Ang hirap makasagap ng net. At dahil hindi ako pinayagan ng Nanay ko sa concert hindi ako makakapunta. Bakit? Nasa kanila kasi pera ko hindi ko makuha. Sayang lang daw ang 11k for a 2 hours concert. BUT!!! NO!! HINDI SAYANG YUN DAHIL I’M A SONE I SHOULD BE THERE!!

T____________________________T

But I need to be practical! Pagnagkasolo concert na lang sila tsaka ako babawi ng pagmamahal sa SOSHI!!

-PiggypiggyChoi ang walang net slash PROUD TO BE SONE!!

May lalakeng humawak sa braso ko at inupo ako.

Nakajacket syang black at nakahood. Pumasok sya sa loob ng store. Tatayo na sana ulit ako para umalis kaya lang. May nakita akong sulat na nasa table na wala naman kanina.

‘Umupo ka lang dyan’

Sumunod naman ako. Nakita ko ang tatlong tupperwear na clear ang lalagyan. Isa para sa kanin at dalawa para sa parehong ulam at kutsara at tinidor.

Ano to??

Hahawakan ko sana yung tupperwear kaya lang

///PAAAKK!!

May biglang pumalo sa kamay ko. Napatingin lang ako sa kanya na nakahood at may hawak na dalawang mataas na Gulp. Uhaw ba tong lalaking to?

Humarap sya sakin na nakashades pa. Adik ba to? Gabing gabi nakashades lakas talaga ng sapak ng lalaking to!!

“Oh! Sayo!” nilagay nya sa tapat ko ang isang Gulp na binili nya.

Naningkit ang mata ko sa pagtitig sa kanya.

“HOOOY!! Adik ka ba?! Kung makatingin ka parang kang nagnanasa sakin ah!”

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon