Chapter 79 - The Bottle

19.9K 307 7
                                    

 

“Here!! Get one and pass!” dumating ang mga teachers na may dalang madaming bond paper at namimigay ng ballpen. “Gumawa kayo ng sorry letter nyo para sa ISANG tao lamang. ISANG TAO lamang ang gagawn nyo ng SORRY LETTER na yan. Yung taong ginawan nyo ng matinding kasalanan. Kahit wala dito sa school sulatan nyo. Have a freedom to have your space in this big sala. We will give you enough time para matapos yan”

Nakarating samin ang papel namin.

“Collin dun lang kami ni Aina” aalis na sana kami ni Aina kaya lang

“Sama na kami” sabi ni Collin habang nakaupo pa sa sahig. Umiling ako sa kanya.

“Wag na eh pano kung ikaw yung susulatan ko ng sorry letter na to eh di wala na. Hindi mo na mafifeel kung ikaw yung nandito. Ikaw talaga kami na lang ni Aina”

“AYIIIIEEE~~~~”

“AYIIIEEEEEE~~~”

“AYYYIIIEEEEEEE~~~ Ayaw talaga iwan ang Princess nya hahah wag kang mag – alala binabakuran mo na nga yung karibal mo eh hahah --- ACK!! ACK!!” biglang sinakal ni Flynn ang lalakeng nang – aasar kanina at may biglang binulong ito sa kanya at bigla na lang ito tumahimik.

Pumunta kami sa labas ng main house. May mga cottages/ kubo kasi dun. Nagpaalam naman kami sa mga teachers na nakabantay kaya pinayagan kami at nagsunudan naman yung iba naming schoolmate except lang kina Flynn at Collin na magkatalikod pa habang nagsusulat.

“Aisshhh!! Sino naman kayang susulatan ko?” nakapout na sabi ni Aina habang nakapatong pa ang baba nya sa kamay nya.

“Eh sino ba yung taong nagawan mo ng kasalanan?” tanong ko naman sa kanya habang iniisip kung pano ko sisimulan ang letter na to.

“Wala hahaha” napatingin lang ako sa kanya

“Weh? Lahat ng tao may ginawang kasalanan sa isa o madaming tao. Minsan nga hindi natin alam na nagawan na pala natin sila ng kasalanan dahil lang sa simpleng salita o gawa eh” natulala ako sa ginagawa ko.

“Ikaw naman masyado mong sineseryoso yang letter na yan. Pwede bang madami hahaha ang dami kasi nila hahaha parents ko, si Kuya Luke at Chin pati nga din yung Jigglypuff na yun eh. Pero erase na yun” palabo ng palabo ang mga sinaasabi sakin ni Aina. Napaurong ako sa kinauupuan at yun ang kinasandal ko. “Kasalanan naman nya. Nilagyan nya ko ng drawing sa mukha hmpf! That Prince Jigglypuff  jerk!” nahihilo na naman ako. Umiikot na ang paningin ko. Bat ngayon pa? Ngayon pa na wala akong dalang gamot.

Tumayo ako at pinipilit kong maglakad papunta sa kwarto namin ni Aina. Napahawak ako sa poste ng cottage namin para mabalance ko ang sarili ko. Parang anytime babagsak na lang ako sa harap ng madaming tao at yun ang ayaw kong mangyari. Pinagpapawisan ako.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon