Chapter 67 - The Radio

23.3K 335 19
                                    

Nakaupo ako ngayon sa rooftop at umiinom ng beer.

Wala akong ginawa dito sa rooftop kundi tingnan lang ang mga bituin. Nakakatatlo na kong beer pero hindi pa din ako nalalasing. Bat ba kasi hindi pa ko malasing lasing?! Para masabi kong hindi totoo yung narinig ko sa news kanina!

Sinusuntok ko na lang ang pader na nasa likod ko sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon! Kasalanan ko ba ang lahat kung bakit ginanito nya ko?! Masyado ba kong masama para gawin nya sakin to?! It treated her well but yes sometimes not but… but..

I still love her…

Kahit anong gawin kong iwas at inum.. Wala eh.. mahal ko talaga sya..

Nagpapatugtog lang ako habang nakaupo sa roof deck ng building ng condo unit ko. Nakarepeat one kaya halos pa ulit – ulit ko lang syang naririnig

(Andrew Garcia – Crazy)  ------------------- > search nyo na lang po

 

 

*flashback

“Oo kaya marunong ako nito piano nga marunong ako ito pa kaya sisiw lang yan hahaha” yabang nito! Bigla syang nag – strum at ang sakit sa tenga! “He he he hindi ata nakatono tong gitara na to kelangan na ipaayos hahaha”

 

“Nakatono kaya to! Ikaw tong hindi nakatono dyan eh! Hindi ka marunong no haha” pang – asar ko sa kanya

 

“Marunong ako! Bakit? Sinabi ko ban a magaling ako sa gitara? Hindi naman ah beh” nagbelat sya sakin na halatang nagdedepensa pa wala din naman “Bakit ikaw ba? Marunong ka? Panis ka din naman dyan eh. Bumili ka ng gitara hindi ka naman marunong”

 

“Hoy! Marunong ako lahat kami sa barkada marunong kulang na nga lang gumawa kami ng banda kaya lang may sari – sarili na kaming pinagkakaabalahan ngayon kaya wag kang nangunguna dyan!”

 

“Weh?! Di nga? Maggitara ka nga”

 

“talaga!” magsisimula na sana ako kaya lang “Inuuto mo ko eh”

 

“he he he buti na halata mo hahah pero sample na please Pumpkin”

 

“Ahh bwisit ka sabi ko na nga ba inuuto mo ko eh baliw ka” ginulo ko ang buhok nya pero konti lang

 

“hahah dalina yung tutogtugin mo yun na yung theme song natin”

 

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon