Chapter 81 - The covered love

21.4K 320 12
                                    

 

Aina’s P.O.V

 

“LALABAS LALABAS KA DYAN!! TAPOS SASAKIT NA NAMAN YANG PUSON MO!!” sigaw ni Kuya Flynn

“EH SINO BA NAMAN KASING SHUNGA NA NANIWALA NA MASAKIT ANG PUSON KO HA?! EH WALA NAMAN AKO NGAYON!!” nagsisigawan na naman silang dalawa ni Rio.

Na uuna sila samin ni Collin maglakad. Ang bilis naman kasi nila maglakad. Si Rio parang walang sakit kung makipagbangayan kay Kuya Flynn. Samantalang kami ni Collin tahimik lang na nakikinig sa kanilang pagbabangayan dahil sa maling sabi ko sa isang teacher na masakit ang puson ni Rio.

“Eh Anong masakit sayo ha?! Bat ka nanghihina kagabi?!”

“Ah – Eh… Kasi… Kasi… He he he” kelan ba nya kayang itago kay Kuya Flynn ang tungkol sa sakit nya. “Tyan ko lang yun hahaha” palusot ni Rio kay Kuya

“Eh di ganun din yun! Baliw!” napangiti sa kanya si Kuya Flynn

Napatingin ako kay Collin na pinagmamasdan pa din yung dalawa na patuloy at hindi pa din nagbabago sa pagbabangayan nila. Kung hindi ko siguro alam na break na sila masasabi ko sana na ‘ang sweet naman nila’

“Bat ang saya nya?” pabulong na sabi ni Collin sa sarili nya habang nakatitig dun sa dalawa.

“Ganyan din ba sya sayo?” tanong ko sa kanya pero hindi sya sumagot. “Sa tingin mo naging masaya ba sya kapag kasama ka nya?” tanong ko na naman sa kanya habang naglalakad at hindi na naman nya ko sinagot.

“Bat ba kasi pumayag ka pa sa gusto nya kung alam mo naman na masasaktan ka lang?” patuloy lang kami sa paglalakad.

“Kailangan nya ko” mahinang sabi nya pero kahit ganun kinig na kinig ko ito sa katahimikan ng gabi.

“Hindi porket kailangan ka nya magpapakatanga ka na lang. Kahit anong gawin mong hirap sya at sya pa din ang nandun sa puso nya” na una na samin sina Kuya Flynn hindi na ata nila kami napansin sa pagtatalo nila ni Rio.

“Ikaw Aina” napatigil kami sa paglalakad at bigla syang tumingin sakin “Bakit ka nagpapakatanga at nagtyatyaga kay Luke?” seryosong tanong nya. Ngumiti lang ako sa kanya.

“I learn my lesson Collin. Tumigil na kosa kahibangan kong yun sa kanya. Nakakasawang maghabol sa taong kahit anong gawin ko hindi naman nya ko mapapansin. Nagsasayang lang ako ng oras at panahon sa kanya kung patuloy akong maghihintay saw ala. Marami naman dyang iba kaya lang sadya lang sigurong mali ang mga taong nagugustuhan ko” napayuko ako sa harap nya

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon