Chapter 75 - The pancake

23.5K 327 7
                                    

 

 

Flynn’s P.O.V

Pagkagising ko hinablot ko agad ang phone ko na nanahimik sa tabi ng lamp ko. Alam ko maaga pa dahil 6 o’ clock pa lang pero pagkagising ko na isip ko na agad ang pang – iinis sa kanya bilang personal maid ko dapat kanina pa sya nandito at  kanina pa dapat nya kong pinagsisilbihan!

Bigla ko tuloy naalala nung mga oras na sya yung gumigising sakin na kulang na lang patayin ko sya dahil sa pagbubuhos nya ng mantika sakin para lang magising ako.

Napangiti ako ng saglit sa pagkakaalala ko nung mga oras na yun. Ganun ba sya ka – desperado para patinoin ako? Na para lang gisingin ako magpapakuha sya ng kawali at buhusan ako ng mantika? Pano kung kakasaplang pa lang nun? Hindi ba nya na isip na baka malapnos ang balat ko?

Hindi talaga nya muna iniisip ang gagawin nya bago sya kumilos hindi ko namalayan na nakangiti pa din pala ako hanggang sa makita ko ang repleksyon ko sa glass window ko kaya naman naging seryoso ulit ako pagtingin ko sa phone ko at

Hinanap ko agad ang name nya sa phone ko

Typing…

P – O – U – T – Y

 

Wala!! Binago ko ba ang pangalan nya dito?

Bigla kong naalala ang tawag ko sa kanya dati. Ang dami ko nga palang tinawag sa kanya dati.

 

S – W – E – E – T K – I – S – S – E – S

 

 

Napangiti ako ng konte dahil sa tagal ko din tong hindi tinype sa phone ko dahil sa galit ko sa kanya parang may biglang sumanib sakin at nagsasabing “I miss you”. Pagtingin ko sa screen walang lumabas ng Sweetkisses.

Ang ingay kasi ng bibig ko kagabi hindi mapakali kundi sigawan sya. Wala naman talaga kong balak na gawin to sa kanya eh. Ewan ko ba kung bakit bigla na lang nasabi ng bibig ko na maging personal maid ko sya. Ah! Ewan! Nakakainis din pagminsan ang bibig mas nauuna pa mag – isip sa utak parang may sariling utak ang bibig ko noong mga oras na yun kung gusto nya magsalita magsasalita na lang sya.

“Di bale na nga pero…” napangisi ako sa pagkakaupo ko sa sofa at “bubulabugin pa din kita hahahaha!! BWHAAHAHA!! Humanda ka sakin! Kahit Sabado ngayon humanda ka sa pambubulabog ng gwapong si Flynn Flynn Fly Fly ng buhay mo…” nanlumo ako bigla sabay sabi ng “dati.. memorize ko naman number mo” pabulong na sabi ko. Alam kong walang ibang tao dito kundi ako lang. Pero bakit ganun? Ang sakit pa din sabihin na dati na lang ako sa kanya. Mahal ko… mahal ko pa ba sya? Kahit na may iba na ko? At kahit na may iba na sya?

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon