Chapter 74 - Guilt + Annoyed = Tears

22K 337 12
                                    

"Ayusin mong maglinis dyan! Dapat wala akong makikitang ni isang alikabok !" Utos ng utos! Wala na lang syang ginawa kundi umutos ng umutos! Akala mo naman hari!

Kanina pa ko ayos ng ayos dito. Walis impis at gusto pa nya according to color pa ang pagkakaarrange ng mga costumes dito! Arte talga! Hanggang ngayon hindi pa din sya nagbabago napakaBOSSY pa din nya!!

Kumukulo na naman ang dugo ko sa kanya! Nangungulungod na naman ako dito habang nagwawalis! Pero hindi ko sya magantihan dahil feeling ko kasalanan ko naman.

"Hoy!" Eto na naman sya! Humarap ako sa kanya na dala ang mahiwagang walis ko!

"Ano na naman?!" Iritang sabi ko sa kanya na nakatingin lang sakin habang hawak ko na pataas sa walis na dala ko. "Ano?! May iiuutos ka na naman?! Nakikita mo ba na may ginagawa pa ko?! Pwede isa isa lang?! Ano?! Ano may idadagdag ka na naman?!" Sa sobrang inis ko pinapaypay ko sa mukha nya ang walis tambo na hawak ko at hindi ko napansin na napadiin na pala sa mukha nya ang mga sticks ng walis na to. Inis na inis na talaga ako hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya nasigawan ko na sya.

"Pwe!! Ano ba?!" Hinawakan nya ang walis tambo na pinapaypay ko sa kanya kanina. Nanlilisik na ang mga tingin nya sakin. "Sawa ka na ba sa buhay mo ha?!" Palapit sya ng palapit sakin at paurong naman ako ng paurong. Sa kakaurong ko nga ang dami ko nang natatabig na mga gamit. "May reklamo ka?!"

Napadikit ako sa dingding kakaurong.

"Ano?!" Sigaw sya ng sigaw sa harap ko.

"Ah - eh ... bat mo ko sinisigawan?! Teka.. bat nga ba? Pwede mahina lang naririndi na kasi yung tenga ko eh" bigla syang tumalikod at lumapit sa mga kakaayos ko lang na mga costumes.

"Shut up.." mahina nyang sabi. Eh di shut up. Tumahimik na lang ako sa kinatatayuan ko nang bigla syang tumingin sakin at ngumiti. Hindi yung ngiting nakakainlove huh?!! Yung ngiting may binabalak na masama.

"O- hoy!! Hindi ko gusto yang ngiti mong ah!" Kinakabahan ako sa kinatatayuan ko pero hindi ko ito pinahahalata sa kanya dahil for sure lalo syang ngingiti ng ganyan.

"You're my personal maid right?" Sabi nya habang nakangisi pa din. Tumango ako sa kinatatayuan ko at napansin ko na parang may tinatago sya sa likod nya. Sinsabi ko na nga ba eh! Walang magandang maiidulot ang ngiti nyang yun eh! "Dahil malake ang atraso mo sakin. Prepare yourself na pahihirapan kita" bat biglang nanginig ang buong katawan ko nung narinig ko yun?

"Flynn.. Can we talk seriously?" Mahinahon na sabi ko na may halong kaba sa dibdib ko.

My Personal Maid is a Princess?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon