NYDER (19)

93 4 0
                                    

"Please be prepared, in few minutes the trial will be started" the prosecutor reminded everyone inside the court.

The audience was filled by the politicians and media's. Seeking for a good place of coverage. Outside this building, a lot of supporters  in regarding the case of Harliah and as well as the human rights groups asking for justice about what happened to Harliah after the issue has been spread all over the place.

Lahat nandito, as well as my family. Nanatiling nakayuko din si Harliah habang katabi niya si Ethel.  

Tahimik lang din na nakaupo sa tabi ko si Cathy. I tried to talk to her pero hindi niya ako pinapansin.

Sa isang tabi ko naman ay si Caloy. Nakaupo lang siya sa wheelchair habang may personal nurse din kaming kasama para umalalay sa kanya.

Nang makapasok na sa korte ang mga akusado, nagulat sila ng makita si Caloy. Galit na galit silang nakatingin dito at ganun din sa akin.

"Are you ready?" Tanong ni Attorney Quijino kay Caloy kaya kahit an kinakabahan man siya ay napilitan nalang itong tumango. Agad na din siyang dinala sa witness stand.

"Ako si Caloy Peñaranda at nangangako sa inyong harapan na ang tanging sasabihin ko ay pawang katotohanan lamang" his oath-taking.

"Please state your name for the record" the clerk said.

" My name is Carlo "Caloy" Peñaranda" saad niya.

"Please state what Happened"

"Gabi na non ng dumating kami sa hideout namin na kung saan ay siyang warehouse ng school. Nakita namin na nagtatalo si Roy at saka si Nyder. Aaminin ko nakabatak kaming lahat sa oras na iyun at nakainom din kaya hindi na namin napigilan and sarili at pinagbuntungan si Nyder" napapikit ako ng madinig yung mga sinabi niya. Nahihirapan din siyang magsalita kaya patigil-tigil siya habang nag kwekwento.

"Inutusan kami ni Burnok na iligpit ang katawan ni Nyder pero natigil kami ng may isang babaeng sumugod sa amin. Pilit niya kaming pinagsusuntok pero kahit ni isa ay wala siyang natamaan kaya't agad kaming inutusan ni Burnok na patahimikin siya at doon na din nabuo ang masamang balak namin sa kanya na pinangunuhan ni R-Roy" pagkwekwento niya na sinabayan ng mga flash ng camera. Umalingawngaw din sa loob ang bulungan at higit sa lahat ang iyak ni Harliah habang nakayakap sa sarili niya.

Napapikit nalang ako habang tumutulo sa mga mata ko ang luha. I never cried this way. Ngayon lang to nangyari.

"Your honor, I would like to ask some questions to the witness" saad ng defense attorney kaya agad namang pumayag yung judge.

"Ano ang relasyon mo sa mga biktima?" Tanong nito sa harap ni Caloy.

"Wala akong kahit na anong relasyon sa kanila" saad ni Caloy at sumulyap kay Harliah na ngayon ay umiiyak pa din.

"Based on you statements ay isa ka sa mga gumawa ng krimen but then what happened para ilaglag mo ang mga kasamahan mo sa ginawa ninyo?" Tanong ng tagausig.

Nagiging mainit ang kapaligiran dahil sa mga binunyag. Masama na din ang talas ng tingin nina Roy at Burnok kay Caloy.

"Dahil yun sa t-tinangka nila akong patayin k-kaya nagkaganito ako ngayon" umiiyak na saad ni Caloy.

"Noon palang ay hindi na ako pinapatulog ng kunsensya ko dahil sa nangyari kaya't sinabi ko sa kanila na gusto ko ng sumuko na siya namang kinagalit ni Burnok kaya hindi na ako tumuloy. Lumipas ang mga taon at nagkaroon na ako ng pamilya at anak na mga babae. Doon ko parating naiisip na paano kaya kung sa anak kong babae nangyari yun? Paano kong ganung kasama din ang mangyari sa mga anak ko dahil sa mga ginawa ko. Sa pagkakataong yun ay pumunta na ako sa presento para tumistigo Laban sa kaso. Pero ng pauwi na ako ay inabangan ako nila burnok, kasama ko din yung asawa ko. Sa sobrang galit nila dahil sa ginawa ko kaya pinaghahampas nila ako ng tubo, hindi din sila na kuntento at pati ang a-asawa ko ay dinamay nila na siyang kinamatay niya. S-swerte ko't nandito pa din ako at nabuhay" mas lalo siyang umiiyak lalo na ng binanggit niya ang asawa niya kaya dahil dito ay nahihirapan siyang huminga kaya agad siyang nilalapitan ng mga personal nurse para pakalmahin siya.

Diary of the girl he never noticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon