PAGE 16

100 3 0
                                    

November 18, 2007
(Sunday)

Dear Diary,

Nasasaktan po ako ngayon. Wala po akong mapagsabihan ng problema ko kaya nagpapasalamat ako na sa pamamagitan nito ay nasasabi ko ang mga hinanakit ko.

Kanina po kasi pag-uwi ko ng bahay ay bumungad sa akin si mama na galit na galit habang nagbibihis. Sinabi po niya sa akin na samahan ko raw po siya sa bahay ng kaibigan ni papa.

Sobrang tagal po ng nilakad namin ni mama kaya hapong-hapo po ako. Inabutan din po kami ng gabi sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa bahay ng kaibigan ni papa.

Galit na galit pong pumasok sa loob si mama kaya nagulat po ako lalo na't paglabas ni mama ay may hatak hatak na siyang isang babae at nagsabunutan po sila sa daan kaya po naiyak ako.

Nakita ko po ang pagpapatigil sa kanila ni papa at nakaramdam din po ako ng galit sa babae na mukhang dalaga dahil sinasabunutan niya si mama pero wala po akong magawa kundi ang umiyak habang nakatingin sa kanila.

Nang mapigilan na po sila ni papa ay yumakap po yung babae na mukhang dalaga kay papa kaya po sinugod silang dalawa ni mama. Nakita ko din kung paano sampalin ng malakas ni papa si mama kaya natumba si mama.

Napayakap nalang po ako kay mama habang umiiyak kaming dalawa sa daan. Bakit po ganun si papa diary? Bakit iba-iba na ang kinikilos niya? Sino din po yung babaeng yun? Bakit po siya nakayakap kay papa?



Naguguluhan,
S.H

_______________________
<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

I stop reading.

Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Sobrang nasasaktan ako sa nabasa ko.

Her father is cheating, pero she's still wondering on what happened. Inosente talaga siya ng sobra at alam kong sobra siyang nasasaktan.

I wish I can bring back this time, so I that I can able to comfort her, kahit na yun lang.



Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now