PAGE 23

96 3 0
                                    

January 4, 2009

Dear Diary,

Kumusta kana Diary? grabe 3 years na din ang nakakalipas ng huling masulatan kita. Sorry diary ha kung ngayon lang ako nakakabalik sa pagsulat ulit. Wala naman kasi akong maisulat tapos nagipon din ako para makabili ulit ng notebook para gawing diary.

Okay na din kami diary. Palagi naming nakakausap si mama sa tuwing weekends diary, tapos wala na din kaming balita kay papa. Matapos kasi ng insidenteng yun ay umalis na si papa bitbit yung mga damit niya.

Sabi nga ng iba na nandoon na si papa sa manila kasama yung kabet niya pero wala na akong paki sa kanya diary, kaya naman naming mabuhay ng wala siya.

Grade 9 na din ako ngayon diary, habang si Nyder naman ay grade 10 na, graduating na siya diary huhu. Nakikita ko din siya dito sa campus pero minsan nalang diary kasi sobrang busy namin dahil sa Investigatory project namin.

Minsan nga nakasalubong ko si Nyder na kasama si Cathy habang naglalakad sila. Bagay na bagay po sila ni Cathy, Diary kaya nakaramdam ako ng kakaunting selos.

Kumakalat din sa campus na nagdadate daw sila kaya nalulungkot ako. Alam ko naman na sobrang taas ng pangarap ko na gustuhin din ni Nyder kahit na wala naman akong ipagmamalaki, hindi naman ako maganda, mayaman o di kaya ay matalino. Kaya tanggap ko na hindi ako magugustuhan ni Nyder.

Hayst.

Siya nga pala Diary, Birthday ngayon ni Nyder kaya gumawa ako ng letter at iniwan yun sa harapan ng classroom nila at inabangan ko lang mula sa malayo para tignan kung makuha niya talaga yun kaso nung nagsilabasan na sila ay hindi nila napansin yung sulat ko kaya inapakan nilang lahat yun huhuhu.

Nang makaalis na po silang lahat ay napagpasyahan kong lapitan yung letter at kunin yun kaso, nung nasa malapit palang ako ay nakita kong may isang lalaking pumulot ng sulat ko kaya dali dali ko itong nilapitan at inagaw yun sa kanya.


Sinabihan ko po yung lalaki kung bakit niya po ito kukunin kahit hindi naman sa kanya ito, pero nagulat po ako ng kunin niya ulit yung letter sa akin kaya nakita ko po yung mukha niya.

Sobrang gulat ko diary! Si Rhian pala yun. Yung kuya ni Nyder. Hindi na siya nag-aaral dito sa SHS dahil college na siya pero parati siyang pumupunta dito para sunduin si Nyder.

Nakatitig lang  siya sa akin kanina habang hawak yung letter ko para kay Nyder.

Tandang tanda ko pa yung sinabi niya kanina na. "I will give this to my brother"  kyahhhhhh kaya kahit na nakakahiya ay sobrang saya ko po diary kasi tinulungan niya akooo whaaaaaa.



Sobrang saya,
S.H

________________
𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅

I tried to remember about sa letter na
sinasabi ni Harliah. Weird pero wala talaga akong na receive na letter noong birthday ko.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now