PAGE 20

100 2 0
                                    

December 18, 2007
(Tuesday)

Dear Diary,

Kakauwi lang po namin ngayon galing sa bulwagan. Christmas party din po ngayon namin pero hindi po ako sumali at sa halip ay sumama kay mama sa bulwagan para makinig sa hearing nila ni papa.

Nagsampa po kasi ng kaso si mama laban kay papa at sa kabit nito. Nalaman ko din po na isang babaeng kaladkarin yung ipinalit ni papa kay mama kaya sobrang nasaktan si mama dahil ipinagpalit siya sa babaeng walang dangal.

Galit na galit po ako kay papa at sa kabit niya. Gusto ko pong sabunutan yung babae para iganti si mama pero wala po akong magawa kundi ang masamang tignan nalang sila, hindi ko po kasing ugali na manakit ng tao, hindi ako katulad nila.

Sinabi din po ni papa sa attorney na gusto na niyang makipaghiwalay kay mama dahil hindi niya na daw po mahal si mama. Ganun po ba yun diary? Kapag hindi mo na mahal ang isang tao ay iiwanan mo nalang? Lalo na kung may kapalit na?

Sa amin din po kumakampi si Attorney kaya po nagpapasalamat ako sa kanya. Pinagalitan din niya si papa dahil sa hindi nito pagbibigay ng sustento sa amin. Sinabi po ni attorney na dapat 3/4 po yung sustento ni papa sa amin dahil legal silang mag-asawa at kasali din si mama na bibigyan niya ng sustento.

Sinabi din po ni attorney na sobrnag laki ng laban namin sa kaso sapagkat may kabit si papa at maari itong matanggal sa trabaho kung matutuloy man ang kaso kay papa.

Iniurong nalang din ni mama ang kaso laban kay papa dahil napag-isip isip niya na kung wala ng trabaho si papa ay wala na itong perang masusustento sa amin. Kaya pikit matang iniurong ni mama ang kaso laban sa kanya.

Nagdadasal po ako diary na sana tama yung naging desisyon ni mama. Alam ko pong iniisip niya lang yung kapakanan namin pero nababahala po ako.

Minsan na lang din po ako pumasok sa school diary, dahil noong isang araw ay nahuli po namin si mama na muntik ng magpakamatay. Nagpapasalamat po ako diary na naabotan ko si mama at napigilan siya.

Umiiyak po kami ng kapatid ko habang nakayap kay mama. Hindi ko po kakayanin kung sa pati si mama ay mawawala sa amin, diary. Kaya nagmakaawa po kami kay mama na itigil yung ginagawa niya at nandito namin kami na mga anak niya ang tunay na nagmamahal sa kanya.

Kaya po naisipan kong huwag na munang pumasok at bantayan si mama, diary. Ako na din ang gumagawa sa mga gawaing bahay at naghahatid sa kapatid ko.

Iniisip ko nalang po na pagsubok lang ito at alam ko pong lilipas din ito. May awa naman po si papa God.

Nagpapasalamat,
S.H

_____________________
<

𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

I am an attorney too, A lot of cases that about of family problem or even annulment ang hinawakan ko but I'm not allowing na isama yung anak nila sa hearing especially if its on minor age.

I can't understand kung bakit hinayaan lang ng attorney na yun na isama si Harliah sa loob and to witness all of this. Sobrang lakas ng impact nito sa bata dahil sila yung mas naiipit sa sitwasyon na ito.

That's why its not advisable na kasama sila in terms of this kind of situation or problem.

Damn, I know how hard for her to handle this kind of situation in a young age. I pity her.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now