PAGE 17

104 4 0
                                    

November 19, 2007
(Monday)

Dear Diary,

Magaan na po ngayon ang pakiramdam ko dahil po sa dalawang dahilan. Una po dahil kay Ethel at Peter. Kasi po kanina tahimik lang po akong pumasok sa room namin dahil malungkot po ako.

Dahil po sa puyat na puyat ako at hindi ako nag-ayos ay nilait po ako ng paulit-ulit ni Kyla kaya po pinagtatawanan din ako ng iba kong kaklase na lalaki. Pinipilit ko pong hindi sila pansinin pero hindi po talaga sila tumitigil at pilit din pong naghahanap ng paraan si Kyla para inisin ako kaya naiyak nalang po ako.


Sobrang lungkot ko na nga po dahil sa problema sa bahay tapos gaganitohin pa nila ako. Dito ko nangalang po nakakalimutan yung problema pero binully padin nila ako.


Kaya po naiyak nalang po ako sa sobrang inis. Nagulat nalang din po ako ng bigla pong sinigawan ni Peter si Kyla at muntik pa pong magsuntukan sina Peter at yung mga kaklase kong lalaki. Si Ethel din po yung nagpapatahan sa akin.

Sinabi ko po kay Ethel at Peter yung problema ko at nabawasan po yung sakit na nararamdaman ko. Pilit din po akong pinapatawa ni Peter kaya napapangiti nalang ako.

Nagpapasalamat din po ako kay Nyder dahil kanina po habang nakatulala po ako at hinihintay sina Peter at Ethel na dumating, dahil po iniwan nila ako sa inner court para po sila bumili ng pagkain ay nakita ko po si Nyder na nakatulala din hanang nakaupo sa tabi.

Mukhang malalim din po yung iniisip niya dahil hindi niya napansin na tumitig ako sa kanya. Napangiti nalang po ako habang nakatingin sa kanya. Tila po nakalimutan ko ang lahat ng mga problema ko dahil sa kanya.


May kung ano din sa akin ang nagtatanong kung bakit siya nakatulala. May problema po kaya siya, diary? Kawawa naman po siya, pariho po pala kaming may problema dahil nakatulala din siya. Soulmate na po ba kami kung ganun diary? Hehehe

Nagpapasalamat,
S.H

_____________________
<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

I remember this time na may problema ako in terms of my academics and in the same time ay tungkol na din sa mga gossips na nadidinig ako sa campus.


Sabi ng ilan na kaya raw ako maraming awards is because my father is a Mayor on this city, kahit hindi naman yun totoo.

Katulad din ni Harliah ay wala din akong mapagsabihan ng mga problema ko, even my own brother. Mabuti nalang at nandiyan si Cathy at siya yung nagcomfort sa akin.


That is also the time na simula akong nagkagusto sa kanya.


Pero napaisip din ako. What if si Harliah yung nagcomfort sa akin at nakilala ko siya ng maaga?

Would things turns out in between us?


Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now