PAGE 21

101 1 0
                                    

December 24, 2007
(Monday)


Dear Diary,

Mamayang hating gabi po ay pasko na, pero hindi po kami masaya at sa halip ay umiiyak kami ng kapatid ko ngayon.

Naghahanda na din po si mama, hindi po ng pagluluto ng pagkain kundi hinahanda niya po ang mga gamit niya at nilalagay sa maleta. Sa araw po ng pasko ang alis ni mama para pumunta sa saudi at doon magtrabaho bilang kasambahay.

Ayaw ko pong umalis si mama diary, hindi ko po kaya. Nagmamakaawa po kami kay mama pero naiiyak lang si siya. Sinabi niya po na kailangan niyang magtrabaho para masusustentohan ang pag-aaral namin dahil hindi naman raw kasya yung sahod ni papa.

Mas gugustuhin ko pong gutomin kami basta magkakasama lang kami kaysa naman po malayo si mama, hindi ko po kaya, diary.

Ibinilin din ni mama sa akin si lejan na bunso kong kapatid. Sinabi po niya na huwag kaming mag-aaway ng kapatid ko at mahalin namin ang isat-isa dahil kami nalang daw po ang magkakampi kaya mas lalo po akong naiyak. Si lola din po yung magbabantay sa amin kapag umalis na si mama.

Hindi po ako kumain ngayon diary, wala po akong gana at sa halip ay nagkulong lang ako sa kwarto habang umiiyak. Noong una po ay excited ako sa pasko pero ngayon po hinihiling ko po na sana tumigil ang oras para hindi na dumating yung pasko, na siyang araw na pag-alis ni mama.

Hiniling ko po na sana kahit ngayon lang ay timigil yung oras at makasama pa namin ng matagal si mama. Hindi po kami tumigil na umiyak ng kapatid ko habang nagmamakaawa kay mama na hindi siya umalis.

Iniisip ko din po na sana malaki na ako para ako na yung nagtratrabaho at hindi na si mama. Ayaw ko po talaga na lumayo siya sa amin. Natatakot po ako, diary. Huhuhu.

Binigyan din po ako ng bagong cellphone ni mama na touch screen para daw matawagan kami ni mama kahit na nasa malayo siya, dati po ay pangarap kong magkaroon nito pero ngayon po ay gusto ko nalang na hindi umalis si mama.

Nagfacebook din po ako kanina at nakita ko pong inaccept ako ng mama ni Nyder kaya kahit papaano po ay napangiti ako.

Nakaramdam po ako ng inggit ng makita ko yung bagong post ng mama ni Nyder. Picture po nila yun na masayang masaya habang kompletong nagdidiwang ng pasko.

Nakakainggit po diary, mabuti pa sila nasa kanila na ang lahat tapos buo pa ang pamilya  nila. Sobrang gifted po sila diary, siguro po ay mabait sila sa past life nila kaya ngayon ay maganda yung natatamasa nila sa buhay hindi po katulad ko. Pinaparusahan.

Sana po makayanan ko ang lahat ng to at palakasin ako para magampanan ko ang lahat ng bilin sa akin ni mama.

Nagmamahal,
S.H

___________________
<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Hindi ko inakala na ganito pala yung naging pasko niya. Instead of enjoying the day ay umiiyak siya, begging to her mother to not go away.

Magkasalungat talaga kami, that day was the best day of my life while her, its the saddest.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now