PAGE 6

106 5 0
                                    

June 29, 2007
(Friday)

Dear Diary,

Ganito po pala yung tamang pagsulat. Nabasa po kasi ni ate Judy ito tapos pinagalitan niya po ako kasi daw hindi daw ako marunong. Mali rin daw po yung pagbati ko kaya po tinuruan niya po ako. Pinakita din niya po sa akin yung diary niya kaya po ngayon ay alam ko na kung anong gagawin.

Masyado din daw po akong mabait dahil sa sobrang daming 'po' ang ginagamit ko. Baka daw po maaga akong kunin ni Lord. Bakit po? Saan po kami pupunta?

Happy din po ako ngayon kasi po Friday tapos marami po yung vacant time namin kaya nandito po kami ngayon sa Inner court.

Magkaibigan na din po kami ni Peter, kasi po pinasali niya po ako kanina sa larong sipa. Ang saya nga po kasi po palagi silang talo hehehe.

Tumitigil din po kami sa paglalaro kapag dumadaan po yung guard po. Bawal raw po kasing maglaro kaya po itinatago po namin yung sipa at bumabalik nalang po kami sa paglalaro kapag nakaalis na yung guard.

Pawis-pawis na din po ako kaya po nagpahinga na muna kami.

Tapos diary mabait na din po si Peter kasi po ibinigay niya sa amin yung cellphone number ni Nyder. Magkaibigan po kasi sila kaya sobrang saya ko po.  Paulit-ulit po itong tinawagan nina Renella pero hindi po sumasagot si Nyder.

Pero kahit ganun po ay kinikilig parin kami. Nakita ko din po siya kanina sa hallway. Ang pogi niya po talaga.

Tapos po ang lakas ng dating niya lalo na't sa isang side lang po ng balikat niya sinasabit yung bag niya po.

Buo na po yung araw ko ngayon lalo na't nakita ko po siya. Tapos nalaman ko din po na grade 8 na po pala siya. Hehehe mas matanda po siya sa akin pero crush ko parin po siya.

Naglaro din po pala kami ng throwing ball na gawa sa papel na binasa namin at ginawang pabilog na katulad lang po ang laki sa tennis ball.

Bali po yung mga na sa gitna ay siyang tatamaan nila ng bola at kailangan mo pong ilagan ito. Sobrang saya po kasi ako lang po ang maliit sa kanila kaya po hindi nila ako matamaan hanggang sa ako nalang po ang matira.

At kapag makatatlo na po  silang patama sa akin ng bola at hindi padin po ako natamaan ay maliligtas ko po yung mga kagroupo ko at panalo po kami.

Ginalingan ko po sa pag-ilag diary. Pero po ng makita ko pong dumaan ulit si Nyder at napatingin sa Inner court ay napatigil po ako at kasunod nun ay ang pagtama ng bola sa noo ko.

Ang sakit po diary, pero okay lang po kasi nakita ko ulit si Nyder. Hindi ko po inaakala na bukod sa natamaan ako kay Nyder ay tatamaan din po ako ng bola hehehe.

Hanggang dito nalang po diary. Kakain muna kami sa labas hanggat pumapayag pa yung guard na palabasin kami.

Batang may bukol,
Secret

__________________________

<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Natawa ako ulit nag mabasa ko ito. I remember those times na maraming tumatawag sa akin na unknown number pero hindi ko yun sinasagot kasi puro tilian lang yung nadidinig ko.

Kaya nagpalit din ako ng number para  wala ng may tumawag sa akin. Hindi ko alam na isa din pala siya doon.

Sumagi din sa isipan ko yung part na 'magkaibigan raw kami ni Peter'

Isa lang yung Peter na kilala ko at si Peterson yun na siyang naging kaibigan ko because of the competition.

Yes that's right! Siya nga. I'm 1 year older than him kaya alam kong siya na yung tinutukoy ni Harliah dito.

Agad kong kinuha yung cellphone ko to open my Facebook acc to contact him.

Peterson Vutinberg

I chat him if he knows a girl named, Secret Harliah Periera. I waited for a few minutes and then I realized, he's offline kaya nag out nalang ako.

Napabuntong hininga ako while looking at the diary.

Sana mahanap na kita.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now