PAGE 14

97 3 0
                                    

November 15, 2007
(Thursday)

Dear Diary,

Kumusta ka? Matagal na din ng huling masulatan kita Diary, naiwala kasi kita. Sorry.

Matagal kitang hinanap at ang saya ko ngayon kasi nahanap na kita. Nailigpit ka lang pala ni mama. Hayst. Mabuti nalang talaga at nahanap kita ulit.

Noong nakaraang araw din po ay naging dalaga na po ako diary hehehe. Opo, may menstruation na po ako at ang masaklap pa kasi sa school po ako dinatnan. Si Peter po yung tumulong sa akin dahil absent po sa araw na yun si Ethel.

Ipinahiram po ni Peter sa akin yung jacket niya na linagay niya sa bewang ko para matakpan po yung likod ng sa'ya ko.

Umiiyak pa nga po akong umuwi nun kasi po baka may sakit po ako kasi dinuduguan ako kaya nataranta sila mama.

Nang malaman na nila yung tunay kong dahilan ay tinawanan nila ako at tuwang tuwa sila dahil dalaga na ako.

Pinatalon din po ako ni lola sa tatlong hagdan para raw po tatlong araw lang yung menstruation ko. Ganun po pala yun Diary? Pero hindi ko parin po maintindihan si lola. Tapos tinuruan naman po ako ni mama kung paano gumamit ng napkin. Grabi po, ngayon ko palang nalaman na may ganun palang sinusuot kapag dalaga ka na.

Naisauli ko na din po yung jacket ni Peter na bagong laba lang at nagpasalamat din ako sa kanya pero po hinawakan niya lang po yung kamay ko. Nang lumipas po yung araw  ay bigla pong tumigil yung menstruation ko kaya umiyak po ako sa harap ni mama. Nag sorry po ako sa kanila kasi po buntis ako.

Huhuhu hinawakan kasi ni Peter yung kamay ko at dahil dun ay tumigil yung menstruation ko. Ganun naman po yun diba? Katulad sa palabas na kapag tumigil yung menstruation ay buntis na yung babae kaya takot na takot po ako. Ayoko pong makasal kay Peter, si Nyder po yung gusto ko.



Ngayon po ay masaya din po ako kasi yung matagal kong pangarap ay natupad na. Yun ay ang magkaroon kami ng family picture.

Kanina po kasi habang kumakain kami ay biglang sinabi ni papa na gusto niya raw na may family picture kami. Medyo biglaan pa nga eh pero ginawa parin namin. Nanghiram po kami ng camera sa kapitbahay namin na mabait at nagpakuha po kami ng litrato.

Sobrang saya ko po kasi first time po itong mangyari sa amin. May picture din po si mama at papa habang magkatabi sila. At gayundin kami ng kapatid ko.

Pinaprint din naman agad ni mama yung mga picture namin at nilagay ito sa picture frame. Tuwang tuwa po ako habang nakatitig dito. Kahit na hindi kami mayaman ay maswerte pa din po ako dahil may ganito akong mga magulang.

Mahal na mahal ko po sila at nagpapasalamat po ako kay papa God na sila yung naging mga magulang ko

Nagmamahal pero
hindi pa din mahal,
S.H

Diary of the girl he never noticedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें