PAGE 22

98 3 0
                                    

December 31, 2007

Dear Diary,

Mamaya na po yung new year pero wala kami ngayon sa bahay. Andito kami sa presento para maghain ng kaso kay papa matapos niya po kaming pagbuhatan ng kamay kanina dahil sa sobrang kalasingan niya. Galit na galit po siya diary kasi hindi ko binibigay yung atm niya kung kaya't sinuntok niya ako.

Sobrang sakit po diary at lalo po akong nagalit sa kanya kasi po sinapak niya yung bunso kong kapatid na si leejan. Grabe po siya diary. Ibang iba na po siya sa tatay na nakilala ko. Ganito po ba talaga ang mangyayari pag hindi na kami love ni papa? Bakit po humantong kami sa ganito?

Nasasaktan,
S.H

______________________

<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Hindi ko namamalayan na muntikan na palang masira yung diary sa sobrang pagkuyom ng kamao ko. Damn! ang sarap kasuhan ng child abuse!

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now