PAGE 25

96 3 0
                                    

April 1, 2009

Dear Diary,

Kakatapos lang ng Recognition namin ngayon at happy ako kasi nagbunga din yung pinaghirapan ko. Top 1 kasi ako kaya may medal ako. Sobrang proud din ni mama sa akin, diary. Kaya sobrang worth talaga nito sa akin.

Si nanay din yung kasama ko na umakyat sa stage kaya kahit na wala si mama dito ay masaya pa din ako kasi nandiyan naman si nanay para samahan ako.

Mamayang gabi din ay pupunta kami sa restaurant para doon mag celebrate dahil nagpadala si mama ng pera para sa amin.

Graduation din mamaya nila Nyder kaya balak kong pumunta doon diary. Hinanda ko na din yung graduation gift ko para sa kanya. Ginawan ko kasi siya ng portrait. Yun yung dahilan diary kung bakit hindi ako nakapagsulat ng sobrang tagal kasi naisipan kong maginsayo sa pagdradrawing para gawing regalo iyun sa kanya.

Sana talaga diary maibigay ko ito sa kanya. Nakalagay ito sa malaking box at nakapaloob din doon yung mga love letters na sinulat ko para sa kanya. Hehe. Sana talaga magustuhan niya.



Nagbabakasakali,
S.H

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now