PAGE 13

103 3 1
                                    

September 14, 2007
(Friday)

Dear Diary,

Nagsusulat po ako ngayon habang humihikab. Hating gabi na kasi ng matapos yung acquaintance party.

First time ko din pong maranasan ang ganito. Binilhan pa nga po ako ni mama ng dress sa ukay-ukay para lang kay maisuot ako sa party.

First time ko din pong magsuot ng heels at mag make up. Si mama po yung nag-ayos sa akin at sobrang ganda ko daw po hehe. Medyo na hihiya nga po ako kasi hindi ako sanay sa ganitong ayos.

Naka white po ako na strapless na dress tapos 3 inches po na heels kaya sobra po akong nahihirapan sa paglalakad. Pinagtawanan pa nga po ako ng kapatid ko kasi mukha raw po akong lola kung maglakad.

Itinirintas din po ni mama yung buhok ko para raw po malinis yung itsura ko at pagkatapos niya akong ayusan ay hinatid na din ako ni papa sa school.

Catering lang din yung amin kaya hindi na naming kailangan na magdala ng kung ano-ano.

Pagkapasok ko po sa school ay bumungad po sa akin ang napakalas ng tugtog. Marami din po ang mga buhis na bihis. Hindi din po nagpapapasok sa school kung wala kang ticket na ipapakita.

Marami pong mesa ang paligid at bawat mesa ay may nakalagay na section kaya hinanap ko po kung na saan yung amin. Hindi naman po ako nahirapang hanapin yun dahil na sa covered court po yung mesa namin.

Inasar pa nga po ako ng mga kaklase ko kasi babaeng babae raw po ako kaya sobrang nahihiya po ako. Nagselfie selfie din po kami gamit yung cellphone ng adviser namin na si Teacher Ann.

Nagulat pa nga po ako kasi bigla pong may umakbay sa akin at nakita ko pong si Peter yun kaya agad ko siyang siniko.

Paulit-ulit niya po akong inaasar tapos nakipagpalit pa po siya ng upuan kay Ethel para lang po makatabi ako kaya inis na inis ako sa kanya.

Panay din po ang titig niya sa akin at kapag tinatanong ko siya kung bakit ay sinasabi po niya na hindi siya makapaniwala na sobrang pangit ako kaya sinuntok ko po siya sa sobrang inis.

Sinumbong ko din siya kay ma'am pero inasar lang kami ng mga kaklase ko dahil may crush daw sa akin si Peter kaya mas lalo po akong nainis. Babaero naman po yun kaya alam kong inaasar lang nila ako.

Ako nalang po yung umiwas kay Peter at baka ano po yung magawa ko sa kanya sa sobrang inis.

Nag-iba din po yung mood ko ng makita ko po si Nyder na kakarating lang. Na ka suot po siya ng white long sleeve polo at sobrang pogi niya.

Katabi lang din po yung mesa namin kaya po napakalaki po ang ngiti ko habang nakatitig sa kanya.

Napatingin din po ako sa buong paligid at nakita kong kami lang dalawa ni Nyder ang nakasuot ng plain na puti na damit kaya feeling ko po  soulmate kaming dalawa kyahhhh.

Nang magsimula na pong dumilim ay nagsimula na po yung program at pagatapos nun ay kumain na kami.

Marami na din po yung nagsasayawan sa gitna ng covered court. Medyo na hihilo pa nga po ako dahil sa disco light.

Nang matapos po akong kumain ay hinatak po ako nila Ethel para sumayaw kami sa gitna. Nahihiya nga po ako pero pinipilit nila ako kaya nakipagsabayan kami sa mga sumasayaw.

Siksikan din po tapos may mga bastos din na nanghahawak ng pwet o di kaya ng mga bewang kaya po nasuntok ko yung isang lalaking bastos na paulit-ulit na nanghihipo sa akin. Grabe! Wala po bang nag-aaruga sa kanya kaya ganun siya? Ang bastos po niya. Ayaw ko ng ganun.

Hinatak po din nila ako papunta sa gitna kaya nagpupumiglas na ako dahil medyo nahihilo ako dahil sa disco light tapos sa mga nagsasayawan. Mabuti nalang po at nakawala ako sa kanila.

Tapos habang naglalakad po ako sa gilid ay nabunggo po ako ng mga nagtutulakan sa gitna at yung isang babae pa ay naapakan yung sandal ko. Medyo maluwag po kasi yung sandal ko kaya nahubad ito sa akin.

Nang kukunin ko na po ito at bigla pong may tumadyak dito kaya napunta po ito sa ibang gawi kaya po dali-dali akong lumapit doon.

Napatigil nalang po ako ng makita ko yung isang lalaki na kinuha yung sandal ko at napatingin sa akin.

Nanlaki ang mata ko ng makita kong si Nyder yun. Feeling ko po ay tumigil ang buong paligid katulad ng nakikita ko sa palabas. At tila po nag slow motion yung pagngiti niya sa akin.

Naaalala ko pa ng sabihin niyang "Is this yours?" Gosh, Diary! Muntik na akong mahimatay sa harap niya. Sa sobrang kaba ko ay hindi na ako nakapagsalita at tumango nalang.

Ibinigay niya naman agad yun sa akin kaya napaupo ako habang kinakabit yung sandal ko. Akala ko pa nga po ay umalis na siya, nagulat nalang ulit ako ng tulungan niya ako sa pagkabit ng sandal ko dahil hindi ko ito makabit ng maayos dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko.

Gosh diary! Kung alam mo lang yung feeling ko ngayon! Jackpot na jackpot ako! Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya ko.

Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na mag-isip at mag-imagine sa kasal namin. Charot. Advance lang hehehe

Basta this is my best day ever!

Nagmamahal kay Nyder,
S.H


__________________________
<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Mixed emotion yung naramdaman ko when I finished reading this.

I laughed because of how Harliah punch those nasty guy and  in the same time, I feel confused about what she wrote about.

I remember those scene that I helped someone, pero si Cathy yung naalala kong tinulungan ko.

Damn. Am I mistaken?

Diary of the girl he never noticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon