PAGE 8

104 5 0
                                    

July 10, 2007
(Monday)


Dear Diary,

Noong nakaraang araw ay nanood kami ni ate Judy sa bahay ng Meteor garden (taiwan) Grabe po, ang ganda po ng palabas at crush ko din po si Dao ming si.

Feeling ko po si Nyder yung version ni Dao ming si kasi po pinagkakaguluhan din po siya sa ng mga studyante kaya po kinikilig ako.

Kaya kanina po ay maaga akong pumasok sa school para umattend na din ng flag ceremony.

Habang hindi pa po nagsisimula yung flag ceremony ay pumunta na muna ako sa labas ng gate na kung saan ay maaga palang po ay madami ng mga babae at bakla ang nag-aabang doon.
Alam mo ba kung bakit? Hehehe kasi inaabangan nila si Nyder.

Nagsimula ng maghiyawan ang lahat ng malayo palang ay natanaw na namin yung land Cruiser na sasakyan nina Nyder na kulay Navy.

Nakisabay din po ako sa kanila lalo na po nung pumara na yung sasakyan nila sa harap namin at lumabas si Nyder at yung isang lalaki na mas matanda sa kanya. Tinanong ko pa nga si Ethel kung kilala niya yun tas sabi niya kuya raw ni Nyder yun.

Pogi din naman po yung kuya ni Nyder kaso po palaging nakasimangot ang mukha, hindi katulad ni Nyder na palangiti.

Habang po nakatanaw ako kay Nyder na naglalakad sa papasok sa gate ay feeling ko po siya si Dao Ming si, pero hindi naman po badboy si Nyder. Sinalubong din po siya ng mga kaibigan niyang lalaki na mga pogi din kaya para na talaga silang tauhan ng meteor garden.

Hayst. Sino po kaya yung San chai ni Nyder? Si Cathy po ba? Sabi po kasi ni Renella sa akin na yun yung Girlfriend ni Nyder kaya nalungkot po ako kahit na bagay naman po sila lalo na't sobrang ganda ni Cathy.

Magkaharap din po yung line namin sa line nina Nyder kaya palagi po akong pumepwesto sa unahan para makita siya. Kahit na sa malayo po ay sobrang pogi niya parin kahit na saang angulo kaya lahat ng mga paningin ng kababaehan ay nakatuon sa kanya.

Nang matapos din yung flag ceremony ay nagkaroon ng siksikan sa daan kaya maraming mga studyante ang nagsusumiksik papalapit sa gawi ni Nyder at para makalapit doon kaya naiipit din po ako kasi pinagkakaguluhan siya.


Mabuti nalang po at nakaalis na ako doon kaya na kahinga po ako ng maluwag.

Tapos kanina din ng nakatambay kami sa labas ng room habang hinihintay yung paglabas ng ibang section ay dumaan yung mga classmate ni Nyder.

Kilala ko na po yung mga classmate niya kasi po kakaunti lang sila na nakapunta sa star class, kaya po sikat silang lahat at matatalino.

Sinabi po sa akin ni Ethel na kunwari ay itutulak niya po ako papalapit kay Nyder at chance ko na daw po yun para mahawakan siya kaya pumayag po ako.

Medyo kinakabahan po ako sa gagawin namin kaya napapikit po ako. Nagulat nalang po ako ng hindi pa nga nakakalapit si Nyder sa gawi namin ay may nauna ng tumulak sa akin.

Si Peter po yung nabunggo ko at hindi si Nyder kaya po pinitik niya yung noo ko kaya umiyak po ako lalo na't pinagtawanan ako nina Kyla na siyang nagtulak sa akin.

Galit na galit po ako kay Kyla diary. Hindi ko po talaga siya kaibigan. Palagi niya po akong ginaganyan at kung hindi naman ay nilalait niya ako.

Bakit po siya ganun, diary? Nag-aaral naman po naman kami ng Edukasyon sa pagpapakatao (ESP) pero bakit po ganun ang ugali niya?

Hindi po ba siya tinuruan ng good moral at Character Education? Grabe po ang bad niya po huhuhu.

Nasasaktan at umiiyak,
S.H

________________________

<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

I remember those times na pagtungtong ko ng grade 8 ay dumami na yung mga babaeng nagaabang sa akin.


Some of them are also following me kahit saan man ako magpunta. Hanggang sa umabot na nga sa punto na maging sa gate ay inaabangan nila ako lalo na kung inihahatid ako ng driver namin o sinusundo.

Some of my classmates back then ay naiingit. They are telling me na mimigay naman ng babae kaya natatawa nalang ako.

I admit it. I enjoy my high school life because of them. Nakakamiss lang.

Katulad din ni Harliah, I'm also victim of bullying. Yes, I am.

Parati ding iniisip ng iba na kapag anak ka ng mayor ay magagawa mo na ang lahat. Some have been thinking na kaya marami ang mga awards ko sa school ay dahil sa anak ako ng mayor at ipinapasa lang ako ng mga teachers ko because my family is rich. But honestly, its not. Nag-aaral ako ng mabuti to gain those higher grades. Never in my entire life na nauhol lang yung family ko sa school just to give me some flying colors.

Its up to you kung paghihirapan mo yung bagay na yun para makuha mo.

Diary of the girl he never noticedHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin