PAGE 4

131 5 0
                                    

June 25, 2007

Hi po Notebook!

Nagbabalik po ako. Ngayon palang po kita nasusulatan kasi po wala naman pong nangyari sa akin nitong nakaraang araw.

Pero po kanina ay nagkaroon po ng pageant po sa school po. Kasali po yung isang kaklase po namin na si Peter po. Half american po siya kaya po pogi siya pero masama po ugali nun.

Palagi po kasi akong pinagtatawanan po ni Peter at nilalait po kaya po hindi ko po siya kaibigan.

Pinapunta po kami sa social hall ni Teacher Lily po na siyang adviser namin para po sumuporta kay peter po. Ayaw ko po sanang manood po kasi hindi ko naman po yun kaibigan pero wala  po akong magawa po kundi ang sumama nalang sa kanila po dahil hindi po pinapalabas ng guard yung mga studyanteng papalabas sa social hall po.

Sobrang ingay din po sa loob at ang lalakas pong tumili ng mga babae po kaya po napapatakip po ako sa tenga. Nakaupo lang din po ako sa sulok po dahil wala naman po akong ganang manood habang si Ethel naman po ay nakikipagsabayan po sa ibang mga kaklase namin na nagtitilian.

Nakaupo lang po ako kanina po at kinuha ko po yung keypad ko pong cellphone para po mag games na muna ng snake snake.

Sobrang happy po ako na magkaroon ako ng ganitong cellphone po. Kay mama po ito dati pero ibinigay niya na po ito sa akin ngayon po para raw matawagan nila ako po.

Nakita ko din po na ibang klase yung cellphone po na gamit ng mga kaklase ko po. Rectangle po ang itsura nito po at naggagames po sila kaya ng binigyan po ako ni mama ng keypad po ay nagpainggit din po ako sa kanila , pero tinawanan lang po nila ako dahil keypad po ang cellphone ko.

Bakit po kaya ganun? Maganda din naman po itong keypad at isa pa po, maganda po yung larong snake snake at car racing po kahit na nakakainis na po minsan kasi ang daya.

Nagseselfie din po ako sa camera po nito habang nakawaky. Ganun po kasi yung nakikita ko sa mga kaklase ko po, nagpipicture po sila habang nakalabas ang dila po.

Napatigil nalang po ako sa paglalaro ng magsimula pong tumogtog yung background music sa stage kaya po napatingin po ako doon.

Medyo nahihirapan pa po ako dahil ang tataas po nila kaya po lumapit ako sa pwesto nina Ethel na kung saan po ay nakaupo sila sa mesa kaya umupo din ako doon para makita yung na sa stage.

Nakita ko pong nag momodel sila po katulad ng nakikita ko na ginagawa sa barangay sa tuwing pyesta po.

Sa tuwing si peter naman po yung pumapaso ay hindi po ako nakikisali sa kanina sa pagsupporta kasi po ayaw ko sa kanya.

Nadinig ko din po sila Ethel at yung mga babae naming kaklase na sina Renella na may mga crush po sila doon sa mga lalaking na sa stage po.

Ako po isa lang po yung crush ko po. Yun po si Mayor Rey po kasi po ang bait niya po tapos pogi din siya kaya sinabi ko po kay mama na crush ko po siya.

Pero sinaway po ako ni mama kasi po may-asawa na daw po si Mayor kaya tumigil daw po ako. Sayang naman po kung ganun no?

Napatingin din po ako sa isang lalaki po na nasa stage. Siya po yung lalaking nakita ko po noong una sa Canteen po. Sobrang pogi din pala nito lalo na po kung ngumingiti siya po.

Nagtitilian po yung mga kaklase ko sa kanya at kasali na din po si Ethel kaya nakisali na din po ako.

Ang pogi niya po talaga tapos ang galing po niyang sumayaw po.

Nadinig ko pong tinanong ni Ethel si Renella kung anong pangalan ng lalaking yun po.

Sinabi po nito na si Nyder po yung pangalan niya at siya po yung anak ni Mayor Rey po kaya nagulat po ako.

Hindi ko po inakala na may anak po si Mayor at pogi din.

Kaya po ngayon hindi na po si Mayor yung crush ko po. Si Nyder nalang po.

Hehehe yun lang po, notebook. Sa uulitin ulit. Jejeje

From: Secret

Diary of the girl he never noticedМесто, где живут истории. Откройте их для себя