PAGE 12

98 3 0
                                    

August 29, 2007
(Wednesday)


Dear Diary,

Wala po kaming pasok ngayon sa subject namin sa English kasi po may meeting yung mga teachers kaya po sobrang saya namin.

Tapos masaya din po ako ngayon at kinikilig kahit na po may sugat ako sa tuhod. Masaya po ako kasi kanina po habang naglalakad kami papalapas ng gate ay nakita po namin ni Ethel yung mga batang binubully yung isang bata at ikinukulong ito sa isang abandoned na room kaya binantaan po namin sila na isusumbong sa guard.

Pero hindi po sila nagpadala kaya po nagsisigaw na kami habang tinatawag yung Guard.

Dala po namin yung bag namin at may dala din po akong payong na nakasabit lang po sa bisig ko.

Bigla po akong hinablot ni Ethel para tumakbo papaalis doon kasi po balak po kaming saktan ng mga lalaking yun.

Tumatakbo po kami habang sumisigaw at tinatawag yung guard ng biglang matisod po ako dahil sa payong na dala ko. Na tisod din po si Ethel dahil nakahawak po ako sa kanya kaya dalawa po kaming napasubsob sa daan pero ako lang po yung napuruhan.

Nadinig ko po ang pagtawa ng paligid ko po. Tinatawanan po nila kami kaya po pinilit kong tumayo. Nagkalat din po yung barya na hawak ko kanina at yung librong dala ko kaya po napaiyak po ako habang isa-isang pinupulot yun. Nakakainis lang po kasi pati yung guard ay tinawanan lang kami at pati na rin yung mga batang humahabol sa amin.

Nagulat nalang po ako ng may isang lalaki po na tumulong sa akin sa pangunguha ng mga gamit ko. Pero mas ikinagulat ko po ng makita kong sino yun. Si Nyder po. Opo. Tapos naka suot po siya ng cap kaya po napatulala ako habang nakatingin sa kanya.

Agad din po akong napayuko ng tumingin siya sa akin at iabot yung mga gamit ko nakinuha niya. Hinawakan pa po niya yung kamay ko para alalayan ako sa pagtayo kaya sobrnag saya ko po! Opoooo!

Nawala po yung sakit ng galos ng paa ko kahit na dumudugo ito. Kyahhhh. Panay pa yung sundot ng palihim sa akin ni Ethel dahil alam niyang itinatago ko lang yung kilig ko sa harap ni Nyder.

Napatigil din po yung tawanan ng mga nanonood sa amin ng makita nilang tinulungan ako ni Nyder. Whaaaa!

Nagpasalamat din po ako kay Nyder bago siya umalis tapos nginitian niya po ako kaya muntik na po akong himitayin.

Nagulat pa nga po yung nurse sa clinic ng makita niyang napakalaki ng ngiti ko kahit na sobrang laki yung sugat ko sa tuhod. Ako lang daw po yung may ganung ngiti kahit na nasaktan.

Hindi din po tumalab yung alcohol para alisin yung ngiti ko sa labi. Iniisip ko lang po yung nangyari at hindi ko po talaga yun malilimutan. .

Handa po akong madapa araw-araw basta sa pagbangon ko ay si Nyder yung makikita ko. Kyahhhhhhh. Sobrang bait niya talaga.

Sobrang kinikilig,
S.H


__________________________

<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Napaisip ako sa ganung nangyari.
I remember those scene pero hindi ko matandaan yung mukha ng tinulungan ko, which is si Harliah.
I can't belive na nagkaroon na pala kami ng ganung closure.

Nainis lang kasi ako ng time na yun kasi wala manlang may tumulong sa kanila, kahit na yung guard ay tinatawanan lang sila.

I saw everything that happened dahil nakaupo ako sa gilid ng stage noon habang nakatingin sa paligid ng makita ko yung dalawang babae na nakikipagsagutan sa mga batang lalaki na may binubully.

Pero damn! Hindi ko talaga matandaan yung mga itsura nila. I really hate myself for being like this.

Kaya ng makita kong madapa yung dalawa ay hindi na ako nagdalawang isip na tulungan sila.

Hindi lang ako makapaniwala na yun na pala si Harliah.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now