PAGE 5

118 6 0
                                    

June, 26, 2007

Hi po notebook!

Nagsusulat po ako ulit ngayon. Kasi po kanina si mama po pinalo po ako. Iniisip ko pa nga po kanina kung paano kaya kung lumayas po ako sa bahay? Tapos makitira nalang po muna ako kina lola na kapitbahay lang namin. Mamimiss po ba nila ako? Pero po natatakot din po ako. Sayang po, pangarap ko naman po ang mamalimos sa daan. Yun po kasi yung nakikita ko sa kabataan po. Gusto ko pong gayahin.

Kasi naman po inaaway ko daw po  yung bunso ko pong kapatid po na si Leejan po. 8 years old po siya tapos pasaway po kaya po pinapagalitan ko kaya umiyak.

Sinumbong po ako nito kay mama tapos po sinabi niya na pinalo ko siya kahit hindi naman kaya po pinalo ako ni mama mabuti nalang po dumating si papa kaya po may nagtanggol sa akin.

Si papa din po naghatid sa akin sa school po. Tuwang tuwa pa nga po ako kasi first time ko pong makasakay sa motor po. Sa loob din po ng school pumarada si papa kaya po madaming nakatingin sa amin. Jejeje feeling ko po ay artista na din po ako.

Tapos nag parade din po para sa intramurals. Grabe po ang dami pong mga nag-aaral dito. Kulay green din po yung suot namin dahil freshmen po kami.

Marami po ding mga bastos po na mga studyante kasi po kanina habang nagpaparade kami ay may mga lalaki pong pinapalo yung pwet namin kapag po tumitigil yung paglalakad namin dahil siksikan po sa daan.

Grabe po ang bad nila. Mabuti nalang po at wala akong pwet kaya po wala silang mapapalo sa akin.

Tapos po nakita ko po ulit si Crush po. Yung anak po ni mayor. Nakasakay po sila sa isang kotse po habang nagpaparade po. May suot po siyang crown po kasi po siya po yung nanalo.

Para po siyang prince charming po tapos maganda po yung partner niya. Sabi po ng kaklase ko na mag girlfriend daw po sila kasi nakita po naming nag-uusap sila tapos tumatawa.

Ganun po ba yun? Kapag mag-usap tapos tumawa ang lalaki at babae ay mag girlfriend na? Pero babaeng kaibigan lang naman po yun diba?


Nang natapos na din po yung program ay nagkaroon po nag picture taking po kaya po hinatak po ako nila Ethel papunta po sa mga nanalo na nakaupo po sa stage.

Nanalo din po si Peter pero wala po siyang crown. Ayaw ko din pong mag papicture sa kanya dahil hindi naman po kami magkaibigan kaya po kay Nyder nalang po ako lumapit para magpapicture.

Hawak hawak ko po yung keypad kong cellphone po para mag papicture kay Nyder po kaso pinagkakaguluhan po siya ng mga babae. Madami pong nakikipapicture sa kanya po kaya nakigulo din po ako.

Nakasuot po siya ng barong kaya pinoy na pinoy po yung dating niya pero ang pogi niya pa din.

Nakipagsiksikan po ako sa mga nagkakagulo po sa kanya. Naipit pa nga po ako kasi po ako lang yung maliit.

Mabuti nalang po at nahawakan ko po yung barong niya tapos sa sobrang pagkakagulo po ay aksidente ko po itong na hatak po kaya po napunit yung barong niya.

Hindi niya po ako napansin at agad po siyang nilapitan ng mga teachers po para sawayin yung mga studyante kaya po napatigil nalang po ako dahil pinapasok na po siya sa isang room po.

Sayang naman po hindi ako nakapapicture. Nakahanda pa naman po yung kamera ko kaya nag selfie nalang po ako mag-isa.

Nakipagpicture din po yung mga kaklase ko kay Peter po tapos pinipilit po nila akong sumama pero ayaw ko po talaga kaya ako lang po ang hindi kasama sa picture po.

Ayaw ko po talaga kay Peter. Bully po siya.

Yun lang po ang nangyari notebook! Sa uulitin po. Jejejeje

From: Secret.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now