PAGE 19

99 1 0
                                    

November 28, 2007
(Wednesday)

Dear Diary,

Ika-anim na na araw ngayon ng iwanan kami ni papa. Nahihirapan din si mama sa pagbubudjet ng 1000 na siyang sahod ni papa. Hawak kasi ni mama yung atm ni papa kahit na umalis na si papa dito.

Inatake din po ako ng allergy ko dahil nakakain po ako ng hipon na siyang sahog pala sa gulay na binili namin sa tindahan kaya po nahihirapan ako kaninang huminga, mabuti nalang po at nabigyan ako agad ng paunang lunas.

Madalas na rin si mama na maglasing kaya hindi sapat yung pera sa pang-araw-araw namin. Kahit ganun ay naiintindihan ko pa din si mama, alam kong naglalasing siya para lang makalimutan si papa. Walang araw at gabi na hindi ko nakikita si mama na hindi umiiyak. Kahit na nagluluto siya ay bigla nalang akong mapapatigil ng makikita kong patuloy na umaagos sa mga mata niya ang luha.

Nasasaktan ako Diary, hindi ako sanay na makitang ganito si mama kaya pilit kong pinapakita sa kanya na malakas ako kahit hindi naman.

Tapos kanina din Diary umuwi si papa na lasing na lasing. Pilit na humihingi ng pera kay mama kaya nagalit ito ng hindi siya nabigyan ni mama. Nakita ko po kung paano saktan ni papa si mama kaya po sinugod ko si papa at pinagsusuntok din siya.

Sa sobrang galit po ni papa sa akin ay kumuha siya ng walis tingting at pinalo yun sa akin ng sobrang lakas kaya po umiyak ako. Pilit din po siyang inaawat ni mama at maging ng kapatid ko ay umiyak na din.

Nakita ko po sa mga mata ni papa na wala na siyang awa, hindi na po siya yung papa na kilala ko. Galit na galit po ako sa kanya, diary. Nawawalan na ako ng respeto sa kanya at hindi ko ja siya kinikilalang ama.

Nang makaalis po si papa ay naiwan po kami sa bahay na gutay gutay at lahat po ng gamit namin ay sinira ni papa, maging ang tv man. Nagpabarangay na din po si mama dahil sa ginawa ni papa kaya sobrang natatakot po ako.

Hindi ako makapaniwala na nangyayari to sa buhay ko diary. Hindi ito yung pamilyang pinangarap ko.

Lubos na nasasaktan,
S.H

__________________

<𝙽𝚈𝙳𝙴𝚁 𝙿𝙾𝚅>

Napabuntong hininga ako after reading this. Napansin ko din ang unti-unting pagkuyom ng kamao ko. I can't believe that she's also a victim of physical abuse by her own father. Damn!

Sobrang naaawa ako sa kanya. Sobrang bata pa niya to experience those brutality.

Diary of the girl he never noticedWhere stories live. Discover now