13. Sareh

11.2K 362 32
                                    

Chapter 13

//

Karylle's POV

6 am palang ng umaga nasa DLSU na ako. Bukod sa maaga akong nagising, alam kong susunduin ako ni Viceral kaya minabuti kong umiwas nalang muna. Ikaw kaya hindi siputin? Nagkanda-gutom gutom pa 'ko dahil sa paghihintay sa kaniya.

After using the time card machine, umakyat na ako sa third floor para maibaba lahat ng gamit ko sa faculty. I saw Vhong on his table eating his breakfast. I thought ako palang ang dumarating, may nauna pa pala sakin.

"Morning Ma'am sungit," he greeted sarcastically. Ngumiti lang naman ako sa kaniya sabay tango. "Breakfast?"

"I'm full. Thank you," I placed my books above my table and my bag on my chair saka ako umupo. "Maaga ka yata, sir Nav?"

"Hindi ko nga rin alam eh," then he laughed. "By the way, I saw Christian kagabi sa Baklaan Resto,"

"Then?"

"He asked kung kamusta ka na daw?" my face remains emotionless. What should I feel? "Siyempre sabi ko nakamoved-on ka na tapos may bago ka ng boyfriend,"

My eyes widened and unconsciously slammed my table with my hands. Halata namang nagulat siya dahil bigla nalang nastuck sa ere yung burger na dapat ay kakagatin na niya. Medyo nahiya naman ako sa inasta ko kaya umupo nalang ako ulit.

"Sorry but, why the hell did you say na may boyfriend na 'ko?" I saw him smirked. I know what was the thing running on his mind. "I've moved on."

"Defensive? Wala naman akong sinasabing hindi pa ah," binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti kaya napailing nalang ako bago buklatin ang book na gagamitin ko sa first class ko. "Bakit ayaw mong ipaalam sa kaniya na may bago ka na?"

"For what? Kailangan pa ba niyang malaman?"

"Oo naman. Para maisampal mo sa kaniya yung katotohanang nakamoved-on ka na. Para maipamukha mong hindi na sa kaniya umiikot yung mundo mo," he explained. I just showed a little smile and shrugged.

"Kung isasampal ko sa kaniya ang katotohanan na may bago na 'ko, anong pinagkaiba ko sa mga taong bitter? Sapat naman na siguro yung makita niya akong masaya sa piling ng iba without telling him na 'Hoy gago, alam mo bang may ipinalit na ako sayo?'"

I don't really know if I am being honest on what I am saying. Kasi una sa lahat, hindi naman talaga kami ni Vice. Secondly, alam kong nakalimutan ko na si Christian pero hindi ko alam kung handa na ba akong makita siya ulit. Kung wala na ba talaga akong mararamdaman na sakit if I would see him again.

"When I saw him last night, nakita kong masaya siya eh. He even said na katatapos lang daw ng date niya with someone," hindi ako naapektuhan sa ibinalita sakin ni Vhong pero hindi ko rin naman maiwasang hindi manghinayang.

Dati ako lang naman ang dinadala niya sa iba't-ibang restaurant pero ngayon hindi na. Dati ako lang yung dahilan kung bakit siya masaya, pero ngayon mukhang may pumalit na.

"Well, that's good to hear. Atleast may bago ng nagpapasaya sa kaniya," nanlaki ulit ang mga mata niya kaya nagtaka nanaman ako. "Why?"

"Ganiyan na ganiyan din yung sinabi niya sakin kagabi when I said na may bago ng nagpapasaya sayo. Uy, meant to be." pang-aasar niya sakin.

"Baliw," then we both laughed.

Nagfocus nalang ulit ako sa binabasa ko when I heard my phone rang. Tinignan ko yung caller and my brows furrowed nang makita ko na si Vice ang tumatawag. I just ignored the call. Nakatingin lang sakin si Vhong na tila nagtataka kung bakit hindi ko sinasagot yung phone ko.

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now