08. Nyare?

11.8K 357 22
                                    

Chapter 8

~×~×~×~

Dinala ni Vice si Karylle sa isang Seaside. Hindi naman ito inaasahan ng dalaga dahil ang buong akala niya ay uuwi na sila. Vice bought fries, burger and McFloat para may makain sila habang nag-uusap. Kasalukuyan silang nakaupo sa semento at malayang nakatanaw sa mga alon.

"So why did you bring me here?" tanong ni Karylle habang pinapaikot ang straw ng float niya.

"Dito kasi ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa," he explained. He handed her one burger. "Pag-usapan nga natin yang problema mo,"

"Ayoko ng balikan yung nakaraan," she muttered. Tinaasan lang naman siya ng kilay ng binata. "Wag mo na kasing ipaalala,"

"Karylle, you wouldn't learn to let go of the past if you wouldn't let yourself embrace the present. Wag mo kasing ikulong yung sarili mo sa sakit ng nakaraan," pagbibigay payo ni Vice sa kaniya. "Iispluk mo lahat. Shout all the pain para gumaan yung nararamdaman mo,"

Napaisip naman si Karylle sa sinabi ng binata. Ikinulong niya ang sarili sa sakit ng nakaraan. Ikinulong niya ang sarili sa pait ng ginawa sa kaniya ng dating nobyo. She tried to make revenge pero hindi niya kinaya. Hindi siya ganun kasama para gantihan ang taong nanakit sa kaniya.

"As far as I remember, hindi naman ako nagkulang sa kaniya. I did my very best just to be a perfect girlfriend. Ibinigay ko lahat ng kaya kong ibigay pero hindi pa pala sapat," she said.

Tahimik lang na nakikinig sa kaniya ang binata. This is the first time na nakita niyang seryoso ang dalaga, yung tipong hindi nagsusungit. Ito rin yung unang beses na hindi siya nito sininghalan.

"Hindi ba 'ko maganda Vice?" halos mabulunan naman ang binata dahil sa tanong na iyon ni Karylle sa kaniya. Hindi siya agad nakapagsalita at tumingin lang sa dalaga habang puno parin ng burger ang bibig. "Huy,"

"Wet, wet," Vice chewed sabay lunok sa pagkain na na-stucked sa bibig niya. Pagkatapos ay uminom bago sumagot. "Ah-ano, m-maganda ka naman K. Actually hindi pala kasi you're beyond beautiful."

"Eh bakit niya 'ko pinagpalit sa iba?" halos malusaw naman ang puso ni Vice nang makita na nakapout si Karylle. "If I am beyond beautiful, bakit hindi siya nakuntento sakin?"

"Siguro... siguro likas lang talaga siyang bobo kaya hindi niya alam kung sino yung pinakawalan niya," Karylle took a deep sigh dahil sa tinuran ni Vice. "May mga tao lang talaga na hindi marunong makuntento sa kung ano ang meron siya. Mahirap ipilit ang isang bagay na hindi compatible. Parang kayo ni Christian, maybe it was really the right way para ipaalam sa inyo na hindi kayo ang para sa isa't-isa,"

Marry You (Vicerylle)Место, где живут истории. Откройте их для себя