54. Pride

13.4K 428 80
                                    

Special mention to @CLASSYVICE on chwicher :) Elaizaaaaa!! Thankie for making a beautiful cover for Marry You and for my next story. Sobrang natutuwa talaga ako. Haha :) Dahil napasaya mo 'ko, this chappy is for you :* Loveyou bhe ♡♡

//

Chapter 54

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Nagkukumaripas na pumasok si Karylle sa loob ng bahay ni Vice. Hindi na niya tinapos ang three days retreat sa Ilocos at nagpaalam na mauuna na siyang umuwi dahil nakatanggap siya ng text mula sa asawa. Sinabi nito na may sakit DAW si Thaira at siya ang hinahanap. And being a mom of her kid, hindi niya maiwasang mag-alala.

Papasok na siya sa kwarto ng anak when she heard a loud laughs and shouts. Binuksan niya ang pintuan at nakita na naghahabulan ang mag-ama. Paikot-ikot sila sa kama, sa twing nahuhuli naman ni Vice si Thaira ay kikilitiin niya ito ng kikilitiin.

"Vice, hinaharot mo agad si Thaira! Akala ko ba inaapoy ng lagnat?" bungad ni Karylle kaya napahinto naman ang mag-ama sa paghaharutan.

Karylle went near her child at hinalikan ito sa noo. She even checked her temperature at narealize niyang hindi naman ito mainit at mukhang walang sakit.

"Why Nanay?" nagtatakang tanong ni Thaira na yumakap lang sa leeg ng ina sabay halik sa pisngi nito. "I miss you."

"Kamusta pakiramdam mo, anak?" nag-aalalang tanong ni Karylle while still hugging Thaira on her arms. "Okay ka na ba?"

"Hindi naman ako yayagnat po," nakapout at kunot noong sagot ni Thaira sabay cupped sa pisngi ng ina.

Patay malisya naman si Vice na dahan-dahan pang tumalikod at naglakad. He was about to go out nang marinig niya ang mahinang tawag sa kaniya ni Karylle. Bahagya siyang napakamot ng batok sabay balik.

"Hindi mo ba alam kung gaano ka-unfair para sa mga kasama ko na nauna akong umuwi?" sabi ni Karylle.

"So yun talaga ang concern mo? Hindi manlang si Thaira?"

"Thaira's not sick." mahinahon na sabi ni Karylle. "Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala. And how dare you use my daughter?"

"Bwisit kasi 'tong si Buern e," bulong na sabi ni Vice sabay kamot ng ulo dahil hindi na niya kayang makipagtalo sa asawa.

"Ano?"

"Wala!"

"Bakit mo ba 'ko pinauwi?"

"Wala. Bumalik ka nalang sa Ilocos kung gusto mo!" bulyaw nalang ni Vice as he went out the room.

"Vice, you're unbelievable!" inis na sigaw pabalik ni Karylle.

Literal na naiinis si Karylle sa asawa at ganun din naman si Vice. Kung si Karylle ay dahil sa pagsisinungaling ng asawa, si Vice naman ay sa hindi malamang dahilan. Basta ang alam niya, he doesn't want his spouse to be paired with Christian.

Patalon-talon lang si Thaira sa kama. Nakatitig lang naman sa kaniya ang ina dahil talagang nag-alala siya sa kalagayan ng anak. Ang buong akala niya ay may sakit ito kaya agad siyang umuwi.

"Anak sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ulit ni Karylle. Tumingin lang naman sa kaniya ang anak.

"Opo nanay. Di tayaga ako yayagnat"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon