29. My Vice

10.9K 361 31
                                    

At dahil nanalo ang boyfriend ko (Daniel Aliermo). Here's an update for you guys 😍😍

.

.

.

.

.

.

Chapter 29

.

.

.

.

.

The next day, 12:00 pm na nang magising si Vice. He decided na wag na munang magpakita kay Karylle hanggang sa gumaan na muli ang pakiramdam sa kaniya ng dalaga. Alam kasi niyang nasaktan ito ng sobra at magpapalipas muna siya ng ilang araw... o linggo bago ito muling kausapin.

"Goodmorning, Lolo." walang ganang bati niya sa matanda nang maabutan niya ito sa hapag-kainan.

"Apo hapon na,"

"Ay sorry po. GoodAfternoon pala," pagbawi nito bago sumandok ng kanin at ulam dahil sa nakaramdam narin siya ng gutom.

"May problema ba apo?" worried na tanong ng matanda as he held Vice's shoulder. "Sabihin mo lang kay Lolo,"

Naalala naman ng binata ang sinabi sa kaniya ng mga kaibigan the last day. Ang unang step para ayusin ang gusot sa pagitan nilang tatlo. Ang paalisin si Chris sa DLSU. Sa totoo lang ay ayaw niya itong gawin dahil baka lumabas na masiyado niyang pinepersonal ang problema, pero wala na siyang nakikitang ibang paraan para ayusin ang gulo.

"Lolo, pwedeng makahingi ng isang favor?" nag-aalangang tanong niya.

"Napaalis ko na si Mr. Bautista, apo... kung yun man ang hihingin mong pabor," nakangiting tugon ng matanda na nagpalaki sa maliit na mata ng binata. "Wag kang mag-alala, alam ko naman na masyado kang mabait kaya paniguradong magi-guilty ka. Ginawan na ng paraan ni Lolo, ipinadala ko siya sa Laguna para doon na makapagturo,"

"Teka nga lo, sinabi ng mga bakla sayo?" tumango naman ang matanda na hindi parin naaalis ang ngiti sa mukha. "Pakialamero talaga yung mga siraulo na yun,"

"Hayaan mo na apo, gusto ka lang naman nilang tulungan," napabuntong hininga na lamang si Vice bago ipagpatuloy ang pagkain. "Gusto mo ba ng tulong para masuyo si Karylle, apo?"

"Pati yung kay Karylle itsinika sayo, Lolo?" malapit ng mainis ang binata dahil sa pangingialam ng mga kaibigan sa buhay niya.

"Hindi apo. Yung kay Mr. Bautista lang naman ang nabanggit nila. Pero yung kay Karylle? Naamoy ko lang na may problema kayo. Kasi kung wala, maaga palang umalis ka na para sunduin siya," paliwanag ng matanda. "I can talk to her if you want,"

"Hindi na po Lolo. Ako naman ang gumawa ng gulo... ako narin po ang aayos."

"Support kita, apo..."

//

Tending to Karylle's side, Lunch Break palang kaya nagmumukmok siya ngayon sa faculty. She's with Anne na pinili nalang din na wag kumain para masamahan ang kaibigan.

"Hindi ka talaga kakain, Karylle?"

"Anne, kung nagugutom ka... you can eat naman. Hindi nga ako kakain," plain na sagot nito. "Pang-ilang tanong mo na yan eh,"

"Kasi naman... napakatamlay mo. You're not the usual Karylle I used to see. Kailangan ba pag nasasaktan, magmumukmok?" lalo namang napanguso ang dalaga dahil sa narinig. "And one more thing... hindi lang ikaw ang nasasaktan. Si Vice din,"

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now