12. Dinner Date?

10K 347 60
                                    

Chapter 12

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto ko at hanggang ngayon hindi parin ako nakakapagdesisyon kung sino ba ang dapat kong siputin. Kung si Chris ang pupuntahan ko, magagalit naman sakin si Karylle. Nakakahiya naman dun sa isa kung si K ang pupuntahan mo.

Sign please.

I don't usually ask for signs pero this time, kailangang-kailangan ko lang talaga. Feeling ko sasabog na yung ulo ko dahil sa sobrang pagkalito. I looked at my phone. Bago ako lumabas kwarto, kung sino ang huling magtext kila Karylle at Christian, yun ang pupuntahan ko.

I took a deep sigh bago kunin ang phone ko na nakapatong sa kama. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago muling dumilat upang tignan kung sino ba sa kanilang dalawa ang huling nagtext

1 message from Chris: Sunduin kita huh? :)

1 message from Karylle: See you later :) Anong lulutuin mo for me?

So last si Karylle? Napangiti nalang ako bigla. Nakaramdam ako ng saya sa hindi ko malamang dahilan. I immediately took my stuffs. Palabas na sana ako ng kwarto when my phone beeped again.

1 message from Chris: Baby Girl?

Oh my god! Karylle is not the last.

//

General POV

It was passed 8 pm pero wala parin ang hinihintay ni Karylle. Ilang beses narin niyang tinext si Vice ngunit hindi ito sumasagot. Kumakalam na ang tiyan niya dahil sa gutom pero tinitiis niya dahil nangako si Vice na darating ito at ipagluluto siya ng dinner.

"Nasan ka na ba, bakla." naiinip na tanong niya sa sarili habang nakatitig sa pintuan, umaasang bumukas ito at iluwa si Vice. "Nagugutom na 'ko."

Tending to Vice's side, kanina pa niya nakikitang umiilaw ang cellphone palatandaan na may nagtext. Hindi niya ito pinapansin dahil alam niyang si Karylle ito, at magi-guilty lang siya kung babasahin niya. Nakangiti lang sa kaniya si Chris habang nakapangalumbaba kaya medyo naconscious naman siya.

"May dumi ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ni Vice while wiping his face sa pag-aakalang may dumi nga.

"Hindi. Hindi. Natutuwa lang ako sa 'yo. Akala ko kasi iindianin mo 'ko," Chris said with a huge smile on his face. "Alam mo, this is the first time na nakipagdate ako sa ano... sa..."

"Sa bakla?" natatawang pagputol ni Vice sa sinasabi ng binata. Napakamot naman si Chris sa batok sa pag-aakalang naoffend niya ang kasama. "Don't worry. Hindi naman ako apektado no. Eh bakit mo naman naisipang makipag-date sakin?"

"I just want to. Nakuha mo kasi talaga yung atensyon ko. Nagustuhan kita at paniguradong magkakasundo tayo," sagot nito.

"Don't you have girlfriend?"

"Ipu-pursue ba kita kung meron?" hindi naman maiwasang magblush ni Vice dahil sa sinabi ng binata. Chris giggled nang makita kung gaano ka-cute si Vice kapag nagba-blush. "Tatlong taon na akong walang girlfriend at ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng interes pumasok sa isang relasyon, when I met you."

"Sigurado ka ba talaga? I am not perfect. I don't even know if I could be a better partner to you than your past lovers."

"You don't have to be perfect to be liked by someone. Nagustuhan kita dahil ikaw ka." sinserong sabi nito. He reached for Vice's hand at marahan itong piniga. "Gagawin ko ang lahat para mapatunayan 'yon sayo."

Vice just simply smiled at him. He admits na sobrang nata-touch siya sa mga sinasabi at ginagawa ngayon ni Chris dahil sa loob ng ilang taon na nabubuhay siya, ngayon lang niya naranasan ang mga nararanasan niya ngayon.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon