55. Dalawang Bakla

12.6K 448 115
                                    

Chapter 55

✌♡✌

Mag-isa ngayong nakahiga si Vice sa sarili niyang kama. Hindi parin maalis sa isip niya ang mga katagang binitawan ng asawa na lalong nagpaguilty sa kaniya. Hindi niya alam kung si Karylle pa ba ang mali oh siya na. Sa tagal ng panahon na lumipas, mukhang mas malala nga ang naging kasalanan niya kung ikukumpara sa nagawa ni Karylle.

She pleased him, but he pushed her away. Nagmakaawa itong magsimula ulit silang dalawa but he didn't even give her a chance. The way Thaira asked him kung bakit hindi sila magkakasama, nararamdaman niyang malungkot ang anak and he doesn't want his kid na lumaking magulo ang pamilya.

Bahagya niyang isinandal ang ulo headboard bago abutin ang cellphone na nakalapag sa ibabaw ng lamesa. He immediately dialled his mom's number dahil kanina pa niya gustong ilabas ang nararamdaman.

"Tutoy, anak?" bungad ng nanay niya kaya napangiti naman si Vice. "Toy?"

"I miss you nanay," sabi nalang niya dahil hindi niya alam kung paano siya mag-uumpisa.

"May problema ba anak? Napatawag ka?"

"Naaawa na ako kay Thaira, nay e." he said na sinundan ng isang malalim na buntong hininga. "Siya tong namomroblema samin ni Karylle,"

"HAHAHAHA!" literal na napakunot noo si Vice nang marinig ang tawa ng ina.

"Nay naman!!! Seryoso po 'ko," binubugnot na sabi niya. Nahinto naman sa pagtawa si Nanay Rosario.

"Eh kasi naman anak... Nung una palang sinabi ko na sa 'yo ang pwedeng kahinatnan niyang pagmamatigas mo, hindi mo naman ako sinunod." panenermon nito kaya napa-pout naman ang anak.

"Pero nay, tinatry ko naman ng ayusin yu--

"Kung kailan manhid na yung asawa mo?" pagpuputol ng matanda kahit hindi pa man natatapos si Vice sa sinasabi nito. "Anak, paulit-ulit lang naman ang mga nangyayari. Sinuyo ka niya, ipinagtabuyan mo siya. Ngayong ikaw naman ang sumusuyo, siya naman tong pagod na. Wala na ba talagang forever, nak?"

"Nanay talaga," natatawang sabi ni Vice.

"Pero seryosong usapan anak, ano na ba talagang desisyon mo? Are you going to win her back dahil mahal mo? oh para lang sa anak mo?"

✌♡✌

Karylle

The next day, I woke up early dahil gusto kong lutuan ng breakfast si Thaira. Until now kasi hindi parin niya ako kinikibo. Malamang, dahil parin sa paninigaw ko last night. I really didn't mean it. Dahil lang talaga sa pagkabadtrip ko sa walang kwenta niyang ama. Tama ba namang gamitin si Thaira, para lang mapauwi ako.

Eh bakit nga ba niya ako gustong pauwiin agad? Napailing nalang ako trying to remove him on my head. Bakit ko ba iniisip yung pulgas na 'yon? Mukhang aatakihin lang ako sa puso.

"TOKTOK!!!!" halos maihulog ko na yung itlog na hawak ko nang marinig ko ang malakas na kalampag sa pintuan kasabay ng malakas na sigaw. "TOKTOK SABEEE!"

"Teka lang naman!" sigaw ko pabalik.

I went out the kitchen para pagbuksan ng pintuan kung sino man ang kultong nasa labas. Kailan ba mauubos ang perwisyo sa buhay ko? Nang binuksan ko ang pintuan, bumungad sa 'kin si Daniel. Yeah, Daniel Aliermo! -.-

"Anong problema mong bakla ka? Aga aga nambubulabog ka?" kunot noo kong tanong. Tinap naman niya yung noo ko kaya napastep backward ako.

"Ito naman! Hindi mo manlang ba 'ko namiss?" tanong niya na dire-diretsong pumasok sa bahay ko. "Banamanyan! Shonget parin ng bahay mo 'te,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon