30. Slow

11K 392 54
                                    

Chapter 30

.

.

.

.

.

Vice

"Bakla, mamaya na. Inaantok pa 'ko," iritado kong sabi nang maramdaman kong may tumatapik sa hita ko. Nagtalukbong ako ng kumot and just ignored kung sino man ang gumigising saakin.

"Gising na, huy..."

Pabalik na 'ko sa pagtulog when this someone lied next to me and hugged me from behind. Hindi naman ugali ng mga bakla ang yakapin ako at... wait... babae yung nagsalita.

I gulped.

Tinignan ko muna yung paligid. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na nasa kwarto ako. Akala ko nasa hotel nanaman ako with an unknown woman. Kung nasa room ako, who the hell is this girl behind me? I slowly turned my back to see who is she.

"Gising na yung bae ko," nakangiti niyang bungad as she hugged me tighter. "Goodmorning,"

Napalayo ako ng kaunti dahil sa pagkabigla. Wala sa sariling sinampal ko ang sarili ko sa pag-aakalang panaginip lang 'to. Halos mangamatis na yung pisngi ko sa kakasampal, hindi parin siya nawawala sa paningin ko.

"Bae, I'm real! Oh god!" natatawa niyang sabi while cupping my face and rubbing her nose on mine. "Ano? Nananaginip ka pa ba sa lagay na yan?"

"Anong ginagawa mo dito?" cold na tanong ko as I lazily stood up and wore my slippers. "Go home. May lakad pa 'ko,"

"I checked your schedules for today. Clear naman daw sabi ng Lolo mo. I also asked your friends kung may lakad kayo, wala naman daw. Saan ka pupunta?" dire-diretso siyang nagsalita. Hell! She's using her sweet voice again.

"Just go." I gave her another cold treatment. "You shouldn't talk to a shit like me. Hindi ka dapat lumalapit sa mga manloloko,"

"Hindi mo naman ako niloko diba?" she asked... sadly. Medyo nasaktan naman ako 'cause I really don't wanna see her hurt. "Christian talked to me and I've realized a lot of things. Isa na don yung panghuhusga ko sa 'yo. I remember one time, I told you that no one has the right to judge you. But what I did was more than being judgemental. I didn't even accept your explanations. I let the anger filled my heart. Pero Vice... ngayon, bukas na bukas na yung utak ko. I am now aware kung sino talaga sa atin ang mas nasasaktan. And I'm so sorry for judging your efforts, for not believing your actions... namimiss na kita,"

My heart melted nang makita ko kung gaano siya kasincere sa lahat ng sinasabi niya. Kung kanina gusto kong tumakbo at lumayo, dahil sa takot na baka masaktan ko ulit siya, ngayon gustong gusto ko na siyang lapitan at yakapin ng sobrang higpit.

"Namimiss na kita..." pag-uulit pa niya. I didn't speak. Yumuko siya and took a deep sigh. "It's okay. Alam kong galit ka sakin dahil sa mga nasabi ko. Babalik nalang ako pag nabawasan na yung galit mo,"

She stood up and was about to open the door when I closed the gap between us. I just found myself hugging her from behind. Sino ba naman ang makakatanggi sa charm nitong bababe na 'to? Kahit nga yata ipasalvage niya ko hindi ko magagawang magalit ng mas matagal sa kaniya.

"I'm sorry..." bulong niya as she faced me. She cupped my face and gave me short kisses on my nose. "Sorry. Sorry. Sorry."

"Okay na. Hindi naman kita matitiis," nakangiting sagot ko. I started walking backward habang nakayakap parin ako sa kaniya... until we both fell sa kama. Nakaupo ako while she was on my lap. "I miss you! I miss you! Oh my gosh!"

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now