51. Walang Taytol

16.3K 515 270
                                    

Chapter 51

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

Fast Forward

(Wag kayong ano... nagmamadali ako)

Ilang buwan na ang nakakalipas simula nang mapagdesisyunan ni Karylle na tuluyan ng magfile ng annulment dahil alam niyang 'yon lamang ang gusto ng asawa. She knows that it would take so long bago maproseso ang paghihiwalay nilang dalawa pero atleast... alam niyang napasaya niya si Vice.

After that heart breaking scene between them, pinakiusapan ni Karylle si Lolo Gonzalo na kung pwede ay bumukod na muna siya kay Vice dahil ayaw na rin namang masaktan ng masaktan. Natatakot siya na baka magreflect ito sa pagbubuntis niya.

She went back sa dating apartment na nirerentahan niya bago pa niya makilala si Vice. Muli siyang tinanggap ng may-ari ng inuupahan niyang bahay. Wala namang ibang maramdaman ang matanda kundi ang pagkamuhi sa asawa ni Karylle kahit hindi pa mandin niya ito nakikilala.

Nagfile narin naman ng leave si Karylle sa trabaho dahil malaki narin ang tiyan niya and she really needs to rest dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa mga pinagdaanan niya.

Sa ilang buwan na lumipas, pakiramdam niya ay nag-iisa siya. May gabi na hindi siya makatulog dahil sanay siyang katabi ang asawa. There were moments na bigla-bigla nalang siyang natutulala at babalik na lamang sa wisyo kapag tinatawag ng kung sino man ang pangalan niya.

Minsan nga ay hindi na niya napipigilang maiyak sa tuwing naaalala niya ang mga pinagsamahan nilang dalawa ng asawa. Even if she's church, park or other public places, kapag may narinig siyang isang salita na makakapagpaalala sa asawa niya ay bigla-bigla nalang siyang napapahikbi.

Dalawang buwan na lamang at isisilang na niya ang bunga ng pagmamahal niya kay Vice... sa paniniwala niya kasi ay siya lang ang nagmahal sa asawa. Ang bata na lamang sa sinapupunan niya ang kinakapitan niya upang maging matatag. Kailangan siya ng anak niya.

Tending to Vice's side, simula nang mabasa niya ang annulment papers na ibinigay sa kaniya ni Karylle ay hindi na niya kayang kontrolin ang sarili. Halos gabi gabi na siyang tumatambay sa bar upang uminom at makapagpalipas oras. Madalas na siyang mainis at mapaaway kahit ang dahilan lang naman ay maliliit na bagay. He really don't know what to feel.

May part ng pagkatao niya na natutuwa dahil nangyari na ang bagay na dati pa niyang hinihiling... ang mahiwalayan si Karylle. Ngunit mas malaki ang parte ng pagkatao niya kung saan kontra sa nais niyang gawin. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya ang asawa... pero tila tumindi ang sakit nang mawala ito sa paningin niya.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Solenn ang ikinikilos na iyon ni Vice kaya dumistansya na muna siya dito. Alam niyang nahihirapan at nasasaktan din si Vice sa nangyayari pero pinanghahawakan parin niya ang sinabi ng binata na mahal siya nito at magsasama silang dalawa.

//

"Party paaaaa!" tili ni Vice as he raised the glass up. Napakunot-noo naman si Archie habang pinagmamasdan ang kaibigan.

It was passed 2 in the midnight pero hanggang ngayon ay nasa Bar parin sila. Kanina pa gustong umuwi nila Buern, Lassy at Archie ngunit patuloy lang din silang pinipigilan ni Vice kaya hindi sila makaalis.

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now