09. Lasheng

13.1K 434 46
                                    

Chapter 9

Pagkatapos magdinner sa Condo ni Karylle, nagpaalam na agad si Vice upang umalis. He thinks he really needs to go somewhere. Tinawagan niya ang mga bakla at sinabihang i-meet siya sa dating bar na pinupuntahan nila.

"BAKLAAAAAA!" salubong sa kaniya ng mga kaibigan na nakita niya sa bar counter.

Napansin naman nilang walang kaemo-esmosyon ang mukha ng kaibigan na umupo agad bago abutin ang glass na may lamang alak. Pagkatapos nun ay muli siyang naglagay at tumungga. Napangiwi lang naman ang mga bakla dahil sa inaasta ni Vice.

"Anyare? Brukhart ba?" pang-asar na tanong ni Buern, isa sa mga kaibigan niya.

"Lul!" Vice answered. "Ihanap niyo nga ako ng lalaki diyan,"

Inagaw ng isa sa mga bakla ang baso na dapat ay tutunggain na ni Vice. Pinanlisikan naman siya nito ng mata na tila nagbabanta ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay.

"Archie gusto kong uminom," madiing sabi niya as he tried to get the glass.

"Ano munang problema?" paghahamong tanong ni Archie sa kaniya. Hindi ito pinansin ni Vice at inilibot na lamang ang paningin sa mga taong sumasayaw sa dance floor. "Huy bakla. Share naman diyan,"

"Wala nga akong problema. I just really want to enjoy. Ngayong gabi lang, pagbigyan niyo na ako." tila hindi naman nakumbinse ang mga bakla kaya hindi parin nila ibinigay ang glass sa kaniya. "Ano?"

"Wait lang," naglabas ng isang pang-asar na ngiti si Jake habang nira-rub ang chin. "Kamusta na yung merlat mo?"

"Sinong merlat?" takang tanong ni Vice.

"Yung fake girlfriend mo, enebe?" hindi naman sumagot ang binata at umirap nalang. Lalo namang naghihinala ang mga bakla at nagkaroon ng idea sa kung ano ang problema ng kaibigan nila. "Ano nga ulit pangalan nun Ruben?"

"Karylle," Buern answered.

"Si Karylle ba problema mo?" diretsahang tanong ni Jake sabay tungga sa basong hawak niya.

"Bakit ko poproblemahin si Karylle? Nakakaloka 'to," nanlalaking mata na singhal ni Vice sabay agaw sa glass shot.

"Dalawang buwan na 'te. Dalawang buwan na simula nung mag-umpisa kayong magpanggap,"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon