41. Lolo's moves

9.2K 359 52
                                    

HAPPY VICERYLLE DAY!! Here's my gift guys. Happy 38th month to all ov us :*

-

Chapter 41

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

General

"Sino ka?" Vice asked with a knitted brows. Karylle felt another pinch over her chest as she heard what he said but she needs to pretend na hindi siya nasasaktan. "Sino ka para bumalik sa bahay ko?"

"Bahay natin 'to diba? Lolo Gonzalo bought this house for us. Wedding gift niya sa 'tin 'to eh," she depended with a smile. Lalo namang napakunot noo si Vice dahil tila hindi apektado ang asawa na galit siya.

"Ikaw ba naglagay nitong mga pictures na 'to?" Vice pointed the pictures one by one. Tumango lang naman si Karylle habang sinusundan ang itinuturo ng asawa. "Pwede bang pakitanggal? Nakakasuka kasi. Pakitapon narin para masaya,"

Vice rolled his eyes at Karylle pero ngumiti lang ito. Nakadagdag iyon sa inis ni Vice dahil parang balewala nga lang kay Karylle ang inaasta niya. He doesn't know na konti nalang ay iiyak na ang asawa dahil sa sakit ng mga binibitawan niyang salita.

He carried his stuffs at umakyat sa kwarto niya. Gusto niyang umalis sa bahay na 'yon pero hindi niya magawa dahil nga sa usapan nila ng Lolo niya. Besides, he has to prove something. Kailangan niyang patunayan na he's over with K.

Kailangan niyang patunayan na wala na siyang nararamdaman para sa asawa, para mapadali ang annulment nila.

Nang maiwan si Karylle sa ibaba, she took a deep sigh as she wiped the tears streaming down her face. Natatakot siya na baka makita siya ng asawa na umiiyak at sabihing mahina siya.

Ayaw niyang isumbat lamang sa kaniya ang katangahang ginawa niya dati, ang pag-iwan sa asawa na wala namang ginawa kundi ang mahalin at intindihan siya.

She has to be strong. Mukhang malaki ang galit sa kaniya ni Vice and she knows na marami pa siyang dapat gawin para muling makuha ang pagmamahal nito.

Vice, on his room, with his crumpled face was fixing his things. Isa-isa niyang inaayos ang mga damit sa Closet. Lalo naman siyang nangunsumi nang makita na iisa lang pala sila ng closet ni Karylle.

'Lakas ng loob bumalik. Wala namang maipagmamalaki,' he murmured bago ituloy ang pag-aayos ng damit niya. 'Hindi ko naman na siya kailangan sa buhay ko. Hm! Dun ka nga,' bulong pa niyang muli sabay hagis sa damit ni Karylle na nakalagay sa isang gilid.

After fixing his clothes and other things, he turned on the Telivision bago mahiga sa kama. Sakto naman ang pagbukas ng kwarto at tumambad sa kaniya ang asawa.

"Ano ba? Uso kumatok!" singhal niya sabay irap. Lumabas naman ulit si Karylle at isinarado ang pinto. Wala pang isang segundo ay nakarinig na ng katok si Vice. "Gagang 'to. Kumatok nga!"

"Vice! Vice! Bae!" tawag ni Karylle sa kaniya as she kept on knocking the door. "Bae! Yuhooooo! Buksan mo naman 'to oh!"

"Karylle ano bang kailangan mo't para kang tanga diyan?" iritadong sigaw ni Vice. Bumukas muli ang pinto at pumasok ang nakangiting si Karylle.

"Sabi mo kasi kumatok ako," sarkastikong sabi ni Karylle sabay upo sa tabi ng asawa. Umusod naman ng konti si Vice palayo.

"Kailan ka pa naging tanga?"

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon