36. Wag ka ng babalik

9.4K 327 65
                                    

Chapter 36

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

General

Alas sais palang ay naghanda na nang hapunan si Vice dahil alam niyang pagod ang asawa mula sa trabaho nito. Ibinuhos niya ang buong pagmamahal sa nilulutong ulam. Inaasahan kasi niya baka bumalik ang dating pakikitungo sa kaniya ni Karylle bago sila ikasal.

Alas otso na nang dumating ang asawa. Sinalubong ito ni Vice with a big hug and short kisses sa mukha nito.

"Pagod ka?" malambing na tanong ni Vice habang hinahaplos ang mukha ng asawa. "Naghanda na ako ng pagkain. Kain na tayo?"

"Wait lang bae," Karylle held his hand at iginiya ito paupo sa Sofa. Maliit namang napangiti ang asawa dahil ngayon nalang ulit sila naghawak ng kamay. "Makinig ka muna sakin huh?"

Sa tono ng pananalita ni Karylle, hindi na maiwasang kabahan ni Vice. Mukhang alam na kasi niya ang kahihinatnan ng pag-uusap nila.

"Masaya ka pa ba sa akin?" malamyang tanong ni Karylle as she tightened her grip on Vice's hand.

"Bhie ano ba namang tanong yan? Masaya 'ko sa 'yo," pilit ngiting sagot ng asawa sa kaniya.

"Vice kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko," nagsimula ng mamuo ang mga luha ng dalaga kaya iniangat agad ni Vice ang mga kamay upang mapunasan ito. "Nasasaktan na kita,"

"Karylle okay lang sakin yun."

"Vice, hindi okay yon!" Karylle whimpered. "Nasasaktan kita! Bakit ba gustong gusto mo na nagmumukhang tanga?"

Saglit na natahimik si Vice at pinagmasdan lang ang asawa na ngayon ay umiiyak sa harap niya. Bahagya siyang napasabunot sa sarili dahil narin sa pagkainis.

"Karylle, kung ang kapalit ng pagiging tanga ko eh yung makasama ka... mas pipiliin ko nalang na magpakatanga araw-araw, wag ka lang malayo sa akin," makahulugan nitong sabi na hindi narin napigilan ang pagtulo ng mga luha. "Ano bang nangyayari sa 'tin, Karylle?"

"Itigil nalang natin 'to, Vice. Siguro nga nabigla lang din ako nung sabihin ko sa'yong pakasalan mo 'ko," halos kapusin naman ng hininga si Vice dahil sa narinig. "Ayoko ng masaktan ka,"

"Iiwan mo 'ko? Ano ba sa tingin mo yung mararamdaman ko? Tingin mo ba hindi ako masasaktan pag ginawa mo yon?!" hindi na napigilan ni Vice ang bugso ng damdamin kaya't nasigawan na niya ang dalaga.

"Vice..."

"Tang-ina naman, Karylle!!!" he hissed. "Pinilit kong intindihin ka! Pinilit kong wag mag-isip ng kung anu-ano para lang magwork 'tong relasyon na 'to. Tiniis ko yung pandedeadma mo kahit sobrang sakit na... tapos ako parin 'tong talo? Ako parin 'tong maiiwan?"

Napahagulgol na si Karylle dahil ito ang unang beses na nakita niyang galit na galit ang asawa sa kaniya. This is the first time na narinig niya itong sumigaw sa harap niya.

"I-I'm sorry..." habol hiningang sambit ni Karylle ngunit hindi na siya nakatanggap ng kahit anong sagot mula sa asawa dahil iniwan na siya nito sa Sala.

.

.

.

.

.

Sabay kumain ang dalawa ngunit kapwa sila hindi nag-iimikan. Panaka-nakang tinitignan ni Karylle ang asawa ngunit walang emosyon ang mukha nito. Nakatuon lamang ang pansin ni Vice sa kinakain at hindi manlang magawang tignan si Karylle.

Pagkatapos nilang kumain, hinugasan at iniligpit na ni Karylle ang mga pinagkainan habang si Vice naman, dumiretso sa Sala upang manuod.

Ilang minuto lang naman ang lumipas ay natapos din agad si Karylle sa ginagawa kaya umakyat na siya sa kwarto upang ayusin ang sariling gamit.

Nakapagdesisyon na siya.

Aalis na siya sa bahay nilang mag-asawa. She will set him free. Naniniwala siya na makakahanap pa si Vice ng magmamahal dito. Yung walang pag-aalinlangan.

She was busy placing her clothes sa loob ng maleta when the door opened. Iniluwa noon si Vice na halatang nagtataka dahil sa nakikitang ginagawa ng asawa.

"Anong ginagawa mo?" he asked  coldly.

"Aalis na 'ko," she simply answered.

Mabilis nagbago ang reaksyon ng mukha ni Vice. Kung kanina ay parang wala itong pakialam, ngayon ay mababakas mo na sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari.

"Bhie... wag naman," humihikbing pagmamakaawa ni Vice at patakbong nilapitan ang asawa. He hugged her tightly at isiniksik ang mukha sa leeg nito. "W-wag mo 'kong iiwan,"

"Vice mas lalo ka lang masasaktan,"

"Titiisin ko lahat ng sakit. W-wag mo lang akong iwan. K-Karylle hindi ko kaya eh. H-hindi ko kaya," tuloy pa nito na halos kapusin na sa hininga. "H-hindi na kita sisigawan, Karylle. H-hindi na 'ko magagalit... just stay with me,"

"Vice, Vice..." pag-aalo ng dalaga kahit ang mismong sarili niya ay hindi niya mapatahan. "It's not you, okay? W-wala kang kasalanan..."

"A-ano pa bang hindi ko nagagawa, bhie? S-sabihin mo naman oh. B-baka magawan pa natin ng paraan." desperadong sabi ni Vice na napaupo nalang sa kama dahil sa nanghihina narin siya. "W-wag mo naman akong sukuan,"

"Mahal na mahal kita," Karylle said bago yakapin ng mahigpit ang asawa. "I'm so sorry for hurting you. I don't deserve a guy like you and also you don't deserve a sh#t like me. Vice... hindi ko kayang panindigan ang pagiging asawa sa 'yo,"

Nanatiling magkayakap ang dalawa. Parehas na humahagulgol dahil sa parehong sakit na nararamdaman nila.

"Lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita..." huling sambit ni Karylle bago mag pull away sa yakap ng asawa.

"Kung mahal mo 'ko, bakit mo 'ko iiwan?" puno ng hinanakit na tanong ni Vice.

"Minsan, kahit mahal mo ang isang tao... kakailanganin mo parin siyang iwan para hindi na siya tuluyan pang masaktan,"

With that, kinuha na ni Karylle lahat ng gamit niya at maleta. Hinila niya ito palabas ng kwarto. Matalim lang naman siyang tinitigan ni Vice na tila ba ilang segundo nalang ay sasabog na ito. Palabas na sana si Karylle ng kwarto nang biglang magsalita ang asawa.

Mga salitang nagpalakas ng iyak niya...

"Sige tuluyan mo 'kong iwan, pero hilingin mo na sana hindi ka magsisi bandang huli dahil ipinapangako ko sa 'yo... wala ka ng babalikan,"

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N: Ito talaga yung gusto ko eh. Hahahaha! Welcome back #BRUTALHENG :D Walang PONEBER :>

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now