33. Honey

11.9K 349 35
                                    

Chapter 33

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

It was passed 10 pm pero nasa labas parin sila Karylle at Vice. Naisipan kasi ng dalaga na magstay muna sa PlayGround sa Parke. Doon ay ikinuwento niya na hindi niya naranasan ang maging bata. Simula nang matuto itong maglakad ay hindi siya hinahayaan ng kaniyang ama na lumabas ng bahay para makapaglaro kasama ang ibang bata.

Nang tumuntong naman ito sa limang taong gulang, nadikdik naman ito agad sa pag-aaral.Kalahating araw lamang ang pasok niya sa eskwelahan ngunit kinahapunan, darating ang tutor niya at mag-aaral ulit. Minsan ay binibigyan lang siya nito ng isang oras upang makapagpahinga.

She loves seeing kids na naglalaro. Kahit doon manlang ay maramdaman niyang maging masaya. Minsan ay hindi narin niya napipigilan ang sarili at bigla na lamang sumasali sa mga larong pambata.

"Pag nagkaanak ako, hinding hindi ko gagawin yung mga bagay na ginawa saakin ni Papa." makahulugang sabi ni Karylle na ngayon ay nakaupo sa isang swing. "Hindi ko lilimitahan yung kilos niya. Hindi ko siya pagbabawalan sa pakikipaglaro and most of all, susuportahan ko siya sa mga pangarap niya sa buhay,"

"I can see that you will be a good mother," may paghangang sambit ni Vice as he held Karylle's hand. They were both sitting sa magkatabing swing.

"Meow..."

Parehas natahimik ang dalawa nang makarinig ng pusa. Karylle immediately got her hand from Vice at nagpunta sa kinaroroonan ng tunog. Sumunod lang naman sa kaniya ang binata na nawi-weirduhan na sa ginagawa ng kasintahan.

"Karylle baka mamaya multo yun eh..." pananakot ni Vice sabay kalabit kay Karylle.

"Meow..."

"Vice, hindi naman nagme-make ng sounds ang ghosts," depensa ni Karylle sabay hawi sa isang halaman. There she found a white kitten. "Awww! Ang kyoooot naman. Iniwan ka nila dito? Kawawa ka naman,"

"Wow! Kinausap pa." pabulong na sabi ni Vice habang pinagmamasdan ang nobya na buhat-buhat ang isang kuting. "Tara na uwi na tayo,"

"Tara," nakangiting sabi ni Karylle na nauna ng naglakad.

"Huy, wag mo sabihing iuuwi mo yang kitten? Karylle ibaba mo nga yan,"

"No. Nilalamig siya o. Kawawa naman,"

"No! Sabi ko ibaba mo yan. Baka mamaya lamang lupa yan eh," seryosong sabi ni Vice sabay agaw sa kuting. Nabitawan naman ito ni Karylle.

"Vice naman ehh..."

"Pag sinabi kong hindi, hindi." ibinaba ni Vice ang kuting at hinila ang dalaga papunta sa sasakyan.

Tahimik na pumasok si Karylle sa loob ngunit sa lugar parin ng pusa nakatuon ang tingin. Mula sa loob ay nakikita niyang nangangatog parin ang kuting na mabagal na naglalakad at tila naghahanap ng magandang pwesto. Nahalata naman ni Vice ang pananahimik ng  nobya.

"Bhie," tawag niya ngunit hindi ito sumagot. Sinundan niya kung saan ito nakatingin and he realized na ayaw talaga nitong pakawalan yung kuting. "Fine. Fine. Wait me here. Kukunin ko lang yung kitten mo,"

Halos mapatalon naman sa tuwa si Karylle nang makita niya na nilapitan nga ni Vice ang kuting at binuhat ito. Naka poker face itong sumakay sa sasakyan sabay about sa kaniya ng kitten.

Marry You (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon