EPILOGUE

15.5K 553 116
                                    

✌♡✌

Vice

When I woke up, ang nakayukong si Karylle agad ang bumungad sa 'kin. Dito na nakatulog ang asawa ko. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang hinahagod ang buhok niya. I really miss this woman infront of me. Hindi ko rin inaasahan na pupuntahan at dadalawin niya 'ko dito sa hospital.

I was gently combing her hair nang bahagya siyang gumalaw. Iniangat niya ang ulo at tumingin sa 'kin. I smiled weakly. Halata naman sa kaniya ang pagkagulat at bigla nalang inayos ang sarili.

"Sila Buern?" tanong ko dahil pakiramdam ko naiilang siya.

"Pinabantayan ko muna si Thaira sa kanila,"

"Anong oras ka pa nandito?"

"Kaninang madaling araw pa,"

Napakunot noo ako dahil sa sagot niya. Ibig sabihin, kalagitnaan ng gabi nambulabog ang mga bakla para lang mapapunta dito si Karylle? Walangya talaga yung mga 'yon. Tch!

"Pasensya na. Hindi ko naman alam na pinuntahan ka pala nila Ruben," paumanhin ko as K clasped both my hands.

"Okay lang. Hindi ka na daw kasi nila matiis. Iyak ka daw ng iyak tapos hinahanap mo 'ko," she explained with a smirk.

Hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Doble doble ng kahihiyan ang nararamdaman ko. Fuck you kayo mga bakla. Tama ba namang ilaglag ako sa asawa ko?

"Hi-hindi kaya ako umiyak," pagdedeny ko.

"Sabihin mo sa 'kin yan pag hindi ka namumula ha?" natatawang sabi niya as she stood up.

Napatingin nalang ako sa kaniya. Ngayon ko nalang kasi ulit narinig na tumawa si Karylle sa harap ko. Simula kasi nung bumalik siya, lagi nalang kami nagtatalo. Wala parin pala talagang tatalo sa sayang mararamdamam mo pag okay kayong dalawa.

"Bababa lang ako saglit ha? Bibili lang ako ng makakain, anong gusto mo?" she asked habang inaayos ang pagkakatali sa buhok niya.

"Alam mo naman yung favorite ko diba?" saglit na kumunot ang noo niya.

"Nako! Busy si Solenn kaya hindi ko siya mapapakiusapan na ipagluto ka," sagot naman niya.

Napabuntong hininga naman ako. Marami na nga palang nagbago. Marami na akong binago sa sarili ko. Hindi naman talaga totoong iba na ang favorite ko. Hindi totoong nagbago na lahat ng nakasanayan ko... sadyang galit lang talaga 'ko.

"Adobo." simpleng sabi ko.

"S-sigurado ka?" tumango lang naman ako as I smiled at her.

✌♡✌

Karylle

Bumaba ako para makapaghanap ng mabibilhan ng ulam. Ako ang nakatokang magbantay kay Vice kaya responsibilidad ko talaga na alagaan yung asawa ko. Nagulat nga lang ako when he said na gusto niya ng adobo. Sa pagkakaalala ko kasi ayaw na niya nun at ang ipinagpipilitan niyang favorite niya ay yung luto ni Solenn.

"KARELLLLLLLL!" napatakip ako ng tenga nang dumating nanaman ang matinding unos ng buhay ko. "KAREEELLLLLLL!"

"Huy mahiya ka nga bakla. Kung makasigaw naman 'to!" bungad ko na bahagyang sinampal ang pisngi niya.

"Anong asdfghjkl--?" pabulong na tanong niya na hindi ko marinig.

"Ano?"

"Oh tamo. Ngayong bumulong ako hindi mo naman marinig. Mga babae talaga ang hirap intindihin. Psh," pairap na sabi niya. "Sabi ko anong ginagawa mo dito?"

"Ah, bibili ako ng ulam para sa pasyente ko," paliwanag ko. Nakasunod lang naman siya sa 'kin. "Ikaw, anong ginagawa mo dito?"

"Wala, may dinaanan lang ako."

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now