56. Forever daw

11.6K 423 73
                                    

Chapter 56

✌♡✌

"Ano bang problema niyo?" kunot noong tanong ni Karylle sa dalawang bakla. Vice just looked at the gay beside him and rolled his eyes.

"Eto kasi nananabunot," paninisi naman ni Daniel.

"Anong ako? Ikaw kaya 'tong nauna," depensa naman ng huli.

"Ikaw--

"Ingay!" nagpababa si Thaira sa ina sabay lapit nito kay Vice. "Waway mo tatay ko!"

"Hindi ko kaya wawaway tatay mo!" Daniel said as he stucked his tongue out. "Kulot!"

"Eeehhhhhh!!" nagpapadyak lang naman ang bata na niyakap nalang ang binti ng ama. Nagcrouch naman ng bahagya si Vice para mabuhat ang anak.

"Wag mong pansinin yan anak, bakla kasi," sulsol pa ni Vice as he gave her a wide grin.

"Nagsalita ang hindi bakla,"

"Pwede bang tumigil kayo? Nakakarindi mga bunganga niyo," iritadong bulyaw ni Karylle na nakapagpatahimik naman sa dalawa. "Ano ba kasing ginagawa mo dito, Vice?"

"Gusto ko lang naman makasama si Thaira," Vice answered. Ang isa namang bakla ay bumalik nalang sa Sofa at pinakinggan ang dalawa.

"Bukas nalang. Dadalhin ko kasi sa Mall si Thaira,"

"SAMA AKO!!" nagkatinginan muli ang dalawang bakla dahil parehas sila ng isinigaw. "OY! NAUNA AKO!"

"Walang sasama. PERIOD!"

"Ako ang tatay ni Thaira. May karapatan akong makasama ang anak ko," pangangatwiran ni Vice.

"Bakit? Tinatanggalan ba kita ng karapatan? Sinabi ko lang naman na dadalhin ko si Thaira sa mall,"

"Eh bakit ayaw mo 'kong pasamahin?"

"Ayokong masira ang bonding naming mag-ina,"

✌♡✌

Kasalukuyang nasa Mall si Karylle, Thaira, Vice at kamukha nitong si Daniel. Masiyadong mapilit ang dalawa na sasama sila at wala namang nagawa si Karylle kundi ang payagan sila. Besides, hindi niya ito kayang kontrolin.

Nagsusukatan naman ng tingin ang dalawang bakla na nasa likod lamang ni Karylle. She insisted kasi na siya na ang magbubuhat oh aakay kay Thaira dahil nga sa bonding nila itong mag-ina at naki-epal lang ang dalawa.

"Watch tayo movie?" tanong ni Karylle kaya agad namang napataas ng thumb si Thaira.

"Ako na magbabayad," offer ni Vice na nagtaas ng kamay. Hindi naman na sumagot si Karylle.

"Pasikat ka," uyam naman ni Daniel na naglabas ng sariling pera dahil alam naman niyang hindi siya idadamay ni Vice sa bibilhin nito.

"Aba, okay din pala mga pugo no? Nagkakapera din," pambawi naman ni Vice na binigyan pa ng pang-asar na ngiti ang kamukha.

"Tanggalin ang kuto sa kuko ng aso? Mukhang maganda 'to," naeexcite na sabi ni Daniel habang nakatingin sa screen kung saan nakalagay ang titles ng mga showing movies.

"Hindi ka marunong tumingin ng magandang movies," kontra naman ni Vice. "Eto nalang bhie yung panuorin natin, Para sa Hopeless Romantic."

Nakakunot lang naman ang noo ni Karylle habang salitan na pinapasadahan ng tingin ang dalawa. Bandang huli ay ang suggestion din naman ng asawa ang pinili niya.

Sa loob ng sinehan, pinagitnaan nila Daniel at Vice si Karylle. Nakakandong lang naman si Thaira sa ama habang busy sa pagnguya ng popcorn na binili nila. Bahagya namang nananantsing si Vice sa asawa. Kapag busy ito sa panunuod ay pasimple siyang umaakbay. Kapag nahuhuli naman siya nito ay kinukurot niya si Daniel at ginagawang dahilan ang iniinis daw siya nito.

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now