45. Singkamas

9.5K 371 136
                                    

Chapter 45

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

"Bae, gusto ko ng singkamas." bulong ni Karylle habang nakatingala sa asawa. Nakahiga na sila ngayon and were about to sleep ng atakihin nanaman ng paglilihi si Karylle.

"Kung kailan naman gabi saka ka naghanap ng singkamas," walang emosyong sabi ni Vice. "Bukas na."

"Gusto ko ngayon eh," pagpipilit parin ni Karylle.

"Edi bumili ka!" singhal ni Vice sa asawa.

Hindi nalang ulit nagsalita si Karylle at nanahimik nalang. Vuce faced the other side of the bed para makaiwas sa gaze ng asawa. Pinipigilan namang maiyak ni Karylle dahil sa sama ng loob. Knowing preggy ladies, masiyado silang sensitive and emotional lalo na kung hindi nila nakukuha ang mga bagay na pinaglilihian nila.

Ilang segundo pa ang lumipas, hindi na talaga mapigilan ni Karylle ang mapaiyak. Gustong gusto na talaga niya ng singkamas. She's been craving for it since yesterday pero ngayon niya lang nabanggit kay Vice.

Napabalikwas naman ng bangon si Vice nang marinig ang sunod-sunod na paghikbi ni Karylle. He looked at his spouse puzzledly. Nakatalukbong ito ng kumot pero kapansin-pansin parin ang pagtaas baba ng mga balikat nito.

"Anong nangyayari sa 'yo?" nagtatakang tanong ni Vice. Tinanggal naman ni Karylle ang kumot na nakabalot sa kanita. Her face was covered with tears.

"G-gusto ko ng singkamas," humihikbing sabi niya. Napafacepalm nalang si Vice.

"Seriously? Umiiyak ka ng dahil sa singkamas? Yung totoo?" napapout nalang lalo si Karylle at akmang hihikbi nanaman when Vice finally raised his hands para patahimikin ang asawa. "Fine. Fine. Bibili na 'ko, wag ka ng umiyak."

Tila bata namang nagpunas si Karylle ng luha at suminghot-singhot. Vice took the key of his car at nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Kung hindi ko lang talaga anak yung dinadala nung babae na 'yon, hindi ko naman gagawin 'to eh." bulong niya pagkapasok na pagkapasok sa loob ng sasakyan.

Ilang minuto na siyang naghahanap ng singkamas ngunit wala talaga siyang makita. Bukod sa madalang ang mga nagtitinda, nasakto pang gabi kaya mahirap talaga maghanap. Not until he saw a vendor sa tapat ng isang Bar around QC.

Agad siyang bumaba sa sasakyan at nagpunta sa nagtitinda ng singkamas at mangga. He bought two plastics of singkamas. Mukhang kailangan niya kasi ng stock if ever na maghanap ulit si Karylle sa kalagitnaan ng gabi.

Papasok na sana ulit siya ng sasakyan when he saw a familiar figure sa harap ng bar. Pinalilibutan ito ng tatlong lalaki at parang pinipilit itong sumama sa kanila. Mabilis niyang initsa ng singkamas sa loob ng sasakyan at tumawid papunta sa nasabing bar.

"Solenn!" he called. Napalingon naman sa kaniya ang dalaga pati narin ang tatlong lalaki na nakapalibot sa kaniya. "Anong ginagawa niyo sa kaniya?"

"Hoy! Kung makaasta ka, sino ka ba?" asik sa kaniya ng isang lalaki. Lalapit na sana ito sa kaniya ng dumating ang isang Guard.

"Anong nangyayari dito?"

"Itong mga 'to, binabastos yung girlfriend ko," pagsusumbong ni Vice as he tugged Solenn's hand palayo sa tatlo. "Tara na. Ihahatid kita,"

Marry You (Vicerylle)Where stories live. Discover now