43. Reality Hurts

11.3K 369 211
                                    

Chapter 43

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

General

Mag-aalas singko na ngunit nasa Faculty parin si Karylle. She was waiting for her spouse na sunduin siya. Sinubukan niya itong tawagan several of times pero hindi ito sumasagot. Nag-offer narin ang iba pa niyang Co-Teachers ng ride pero tumanggi lang siya ng tumanggi.

One more hour passed, hindi na niya nakayanan ang maghintay kaya tumayo na siya at lumabas ng building. Yamot siyang naghintay ng Taxi. Kung bakit ba naman kasi siya umasang susunduin talaga siya ng asawa.

Pagkarating sa bahay nila, hindi niya naabutan doon si Vice kaya pumasok nanaman sa isip niya na baka magkasama ang asawa at si Solenn. She wants to cry dahil sa sakit pero lagi niyang pinapaalala sa sarili na matapang siya at hindi siya agad gigive up.

Apat na oras na ang nakalipas, nakapagluto at nakapaglinis na ng bahay si Karylle ngunit wala parin ang asawa. Naiinip siyang umupo sa Sofa nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa noon si Vice na nangangamoy alak.

"Uminon ka?" mahinhin na tanong ni Karylle ngunit hindi siya nakakuha ng sagot kay Vice. "Tatlong oras kitang hinintay sa school kasi akala ko susunduin mo 'ko,"

"Umasa kang susunduin kita?" Vice asked with a smirk on his face. "Pake ko ba sa 'yo?"

Saglit niyang ipinikit ang mga mata at napahilot sa sentido dahil nakaramdam siya ng hilo. Nagkayayaan kasi sila ng mga kaibigan na mag-inuman and Karylle was definitely wrong sa iniisip niyang si Solenn ang kasama ng asawa.

"Vice, ganun na ba kalaki yung kasalanan ko?" malumanay na tanong ng dalaga as she watched Vice sat on the sofa amd removed his shoes. "Sinusubukan ko namang bumawi pero--"

"Iniwan mo 'ko, Karylle. Noon palang sinabi ko na sa 'yong wala ka ng babalikan, pero masiyado kang makulit. Ngayon hindi ko na kasalanan kung nasasaktan ka kasi wala na 'kong pakialam sa nararamdaman mo." madiin na sabi ni Vice. Hindi naman na napigilan ni Karylle ang sarili kaya't napayuko nalang siya habang hinahayaan ang mga luha na dumadaloy sa mukha niya.

"Hindi mo na ba ko mahal?" humihikbing tanong ng dalaga. Napakunot noo naman si Vice nang marinig ang iyak ng asawa. "Bigyan mo naman ako ng chance. Papatunayan ko muna yung sarili ko,"

"Wala ka namang dapat patunayan, Karylle." napalook-up naman ang dalaga dahil sa sinabi ni Vice. "Kasi ayaw na talaga kitang makasama."

Muling napayuko si Karylle kasabay ng pagtalikod ni Vice para sana umakyat ng kwarto. Sunod-sunod lang ang paghikbi ng dalaga kaya para namang bumigat ang dibdib ni Vice.

"M-masaya ka ba kay Solenn?" Karylle asked between her sobs.

"Solenn's my life," agarang sagot ni Vice na nakapagpalakas sa iyak ni Karylle.

-

Pagkatapos kumain ng dinner, hindi na nagtagal si Karylle sa kusina dahil ayaw niya munang madagdagan ang bigat na nararamdaman. Iiwas muna siya ngayong gabi sa asawa dahil pagod na siyang umiyak.

Hindi naman mapakali si Vice dahil binabagabag siya ng suggestion ni Buern. He was walking back and forth habang nagkakamot ng ulo.

"Isipin mo 'to ha. Kaya lang naman kayo ipinupush ng lolo mo kasi gusto niya ng apo. Kapag nabigyan mo na ng apo si Lolo Gonzalo, hindi na siya gagawa ng plano para mapalapit ka ulit kay Karylle. At pag naibigay mo na ang gusto niya, free mo ng gawin lahat ng gusto mo. Malaya ka ng makipaghiwalay sa asawa mo."

Marry You (Vicerylle)Där berättelser lever. Upptäck nu